Adele kumita ng P3.3-B sa pagbirit

ADELE AT CHARICE

NAKAKALULA ang yaman ng sikat na idolo nating si Adele who, at 26, is considered as the richest musician under 30. A whopping 45 million pounds ang net worth nito as of now – mas malaki pa sa kita ng grupong One Direction, ayon sa report.

Ganyan sa abroad – isang major hit lang ng isang singer ay biglang-yaman na. Unlike dito sa atin na pudpod na ang lalamunan ng singers natin halos hindi pa makabili ng ulam. He-hehehe! Grabe, di ba?

Nakakaloka si Adele, ‘no! Considering na hindi pa siya nakakapagtrabaho yata this year pero ganoon na kalaki ang pera niya – equivalent to P3.3 billion sa atin. Gosh!

Kung ako ang may ganyan kalaking pera malamang na nabili ko na ang lahat ng gusto ko including you know what. Ha-hahaha! Ilalagay ko siguro sila sa aquarium para may pagpipilian ako. Charozzzzz!

Next in line sa richest musician below 30 ay itong si DJ Calvin Harris na meron yatang more 25 million pounds and easily commands an asking price of 100 thousand pounds sa pagdi-DJ sa Las Vegas. Parang P7 million pesos ba iyon per show – gosh!

Samantalang sa atin, pag naningil ang isang DJ, kahit pinakamahusay pa, ng P20,000, marami na ang nakataas ang kilay.

Sabay-sabay pa ang organizers sa pagsasabing “ANG MAHAL! Puwede bang P5,500 na lang?” Ha-hahaha!

“Kasi international artists naman sila at iba talaga ang rate nila. Unlike dito sa atin na limited ang market. Sayang nga si Charice, kung hindi nagloka-lokahan ay kaya niyang humabol sa talent fee nina Adele.

“Kaso, inuna ang pagtu-tongril at iniwan si Mareng Oprah mo – ayan tuloy, nagkakasya na lang siya sa barya-baryang shows.

Kahit anong pilit niyang makabalik sa international scene, hindi na siguro siya tatanggapin ni Oprah. Turned off na yata sa kaniya,” anang isa naming friend.

May point naman siya, di ba? Kailan lang ba nag-start si Adele compared to Charice. Yung single ni Charice na “Pyramid” ay nag-hit actually sa billboard charts sa US noon – kung naalagaan lang niya ang career niya, tapos na sana ang laban. Kaso ang inuna niya ay ang pakikipagbangayan sa lola at nanay niya kaya hayan tuloy ang napala niya.

At nakakaloka ang batang ito ha, ang laki ng ipinagbago. Nu’ng bago pa lang siya, close yata kami niyan kasi nga inaanak ko sa binyag. Pero nu’ng sumikat na, ni hindi ko rin maimbita sa mga pa-show ko. Ang dami nilang drama ng manager niya. Na kesyo fully-booked or what. Okay lang naman sa akin iyon eh. Maliit na producer lang naman ako. Para ring yung dating close kong si Arnel Pineda na nu’ng walang-wala pa ay kasama ako na naninikluhod sa executive producers ng ilang TV shows for guesting pero nu’ng sumikat na ay deadma na rin.

O, ano ngayon ang napala niya – maaga siyang nalaos, di ba? Kasama sa journey niya ang pagbagsak agad dahil mabilis makalimot. I’m not saying na ganoon din ang mangyayari kay Charice – basta nakita na naman natin ang ganitong trending sa mga hindi marunong lumingon sa kanilang mga pinanggalingan. Tingnan nga natin kung hanggang saan sila aabot.

“Charice’s voice is very ordinary. Napakaraming di hamak na mas magaling sa kaniya, ‘no! Nagkataon lang na hinawakan siya ni Oprah Winfrey na super-powerful sa buong mundo kaya siya sumikat.

“Pero napansin ninyo, mula nang bitawan siya ni Oprah ay biglang dumausdos ang singing career niya. Yumabang kasi agad eh, nalunod sa kalahating baso ng tagumpay,” anang isang observer.

Kay Adele na kami, ‘no! Ha-hahaha! Iyan ang ilusyon. As if naman kakilala natin si Adele, di ba? Puwede! Adel Tamano na lang kaya? Ha-hahaha! Waley!!!

Read more...