Sulat mula kay L.B. ng Tupi, South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Kapag umuuwi sa gabi ay patang-pata na sa pagod ang katawan ko dahil manual ang trabaho ko. Meron ding trabaho si mister. At dahil sa labis na pagod ay wala na akong gana sa sex, pero aayaw akong unawain ng asawa ko. Bago matulog ay mamimilit siya at pagkagising ay gayun din. Dahil nga sa pagod ay wala na akong nararamdamang sarap. Nakikiusap na ako sa kanya pero natakot ako dahil nagbanta siya na magpaparaos siya sa ibang babae. Gagawin kaya ng mister ko ang banta niya? Magkakahiwalay ba kami? October 15, 1980 ang birthday ko at October 20, 1977 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
L.B., ng Tupi, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Pamistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, tan
Cartomancy:
“Mananatiling buo at matatag ang inyong samahan habang buhay” ang nais namang ipahiwatig ng barahang Queen of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts. Ibig sabihin, anu’t-anuman ang mangyari sa buhay sexual ninyong mag-asawa ay wala kang dapat na ikatakot at ipangamba dahil ang inyong relasyon ay sigurado namang magiging panghabambuhay na. Itutuloy
Mainit si mr.
READ NEXT
OFW nadenggoy ng kaibigang guro
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...