Sulat mula kay L.B. ng Tupi, South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Kapag umuuwi sa gabi ay patang-pata na sa pagod ang katawan ko dahil manual ang trabaho ko. Meron ding trabaho si mister. At dahil sa labis na pagod ay wala na akong gana sa sex, pero aayaw akong unawain ng asawa ko. Bago matulog ay mamimilit siya at pagkagising ay gayun din. Dahil nga sa pagod ay wala na akong nararamdamang sarap. Nakikiusap na ako sa kanya pero natakot ako dahil nagbanta siya na magpaparaos siya sa ibang babae. Gagawin kaya ng mister ko ang banta niya? Magkakahiwalay ba kami? October 15, 1980 ang birthday ko at October 20, 1977 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
L.B., ng Tupi, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Pamistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, tanggihan mo man ang mister mo sa pagkikipag-sex dahil nga parang nasosobrahan ka na sa ginagawa niya ay hindi kayo magkakahiwalay. May pangako ng maligaya at panghabambuhay na samahan.
Cartomancy:
“Mananatiling buo at matatag ang inyong samahan habang buhay” ang nais namang ipahiwatig ng barahang Queen of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts. Ibig sabihin, anu’t-anuman ang mangyari sa buhay sexual ninyong mag-asawa ay wala kang dapat na ikatakot at ipangamba dahil ang inyong relasyon ay sigurado namang magiging panghabambuhay na. Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.