Nakasalubong namin ang actress/host na si Carmina Villaroel kasama ang kanyang anak na si Cassy palabas ng ABS-CBN after ng Buzz ng Bayan last Sunday. Kasabay ng selebrasyon ng Mother’s Day ang last airing ng Buzz ng Bayan.
For sure, tanggap na tanggap na ni Carmina at kasama rin niya ang female host ng show na si Janice de Belen ang pagkawala ng show. We found out na Holy Week pa lang ay kinausap na ng management sina Janice at Carmina sa pagtatapos ng Buzz ng Bayan.
At least, nasabihan na ang dalawang actress/TV hosts earlier at ‘di ‘yung one or two weeks lang nila nalaman na mawawala na ang show nila, ‘di ba?
From our source, siney niya na ang tototong reason daw kaya ibinalik ang The Buzz ay dahil hinahanap daw ito sa survey.
Magkakasama uli sina Kris, Boy Abunda at Toni Gonzaga.
So, balik tuhog ulit sa tatlong shows niya on a Sunday ang Ultimate Multimedia Star na si Toni. From ASAP, diretso siya sa The Buzz at hanggang gabi nagho-host naman siya sa Pinoy Big Brother. Bukod sa tatlong shows, may Home Sweetie Home pa siya with John Lloyd Cruz. At napag-alaman naming hindi kasama sa existing guaranteed contract ni Toni ang The Buzz.
Taray ni Toni, ‘di ba? O, mahusay lang din na manager ang Mommy Pinty niya? Imagine, pati ang sister ni Toni na si Alex Gonzaga bumongga ulit ang career sa ABS-CBN, huh.
Hindi naman kaya ma-insecure na ang ibang Kapamilya stars niyan kay Toni? Indeed, Toni is the most favored female star ngayon sa ABS. Aba, e, bakit hindi? Ikaw na ang may pelikula na kumita ng P430 million sa takilya, ‘no. At dahil dito, malamang si Toni na ang tanghaling Box-Office Queen next year.