Dating boyfriend ni Vice Ganda may plano na ring pumasok sa showbiz

VICE GANDA INQUIRER

NAKORNER namin ang Unkabogable at Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Wang Fu restaurant sa Tomas Marato kamakailan. Nag-meeting doon si Vice kasama ang ilang mga kaibigan with his management team headed by Kate Valenzuela.

Sakto that time ay ginanap naman ang exclusive party ni Richard Yap para sa 15 mommies na nanalo sa pa-contest ng Wang Fu titled “Ice-Katchang Mother’s Day Treat”. Kaya nagkita doon sina Richard at Vice. Incidentally, they both belong under one talent management, ang Dreamscape ng ABS-CBN executive na si Deo Edrinal.

Binati namin si Vice for having chosen again bilang Phenomenal Box-Office Star ng GMMSF awards. Although, hindi solo ni Vice for “Girl Boy Bakla Tomboy” ang recognition and he will again share the award with Kris Aquino. But unlike last year, magkasama sa isang pelikula si Kris at Vice plus Ai Ai delas Alas kaya sila ang tinanghal na Phenomenal Box-Office Stars.
This time, magkaiba na ang pelikula nina Vice at Kris na kasama naman si Vic Sotto sa “My Little Bossings.” Kaya biniro namin si Vice na hindi yata siya mukhang happy sa pagkaka-yes niya sa amin bilang Phenomenal Box-Office Star for three consecutive years, huh.

“Happy naman. Umarte pa ba sa Diyos? Baka magalit na ang Diyos,” biglang ngiti ni Vice.

Halata nga na hindi masyadong happy si Vice that afternoon. Pati ang kanyang mga mata ay malamlam. Very fresh pa kasi that time ang pain na iniinda niya sa paghihiwalay nila ng boyfriend niya. After a few days of our interview with him saka pa lang nag-post si Vice sa kanyang Instagram account na okey na siya.

Going back sa topic namin regarding his recent award sa box-office, parang nasanay na nga siya na may ka-share sa title. Unlike nu’ng unang-unang nagkaroon ng Phenomenal Box Office Star category sa GMMSF, naisip lang ang title na ‘yan dahil ang movie niya na “Praybeyt Benjamin” naman talaga ang pinakamalaking kinita na ipinalabas noong 2011.

Ngayon, parang every year nag-iiba nang nag-iiba ang criteria, huh! “E, ganoon din naman ‘yun, yung title. Last year naman hindi ko rin solo, e. With Kris and Ai Ai, tatlo kami. This year, e, Vic Sotto naman ‘yun. Umarte pa ba ako,” reaction ni Vice sa pagkakaroon niya ng ka-share sa award.

Malaking blessing pa rin daw kay Vice kahit may ka-share na naman siya. Ayaw na raw niyanng mag-react dahil blessing pa rin ‘yun at baka bawian pa raw siya.

Ingat na ingat naman ang management team ni Vice na huwag siyang pagsalitain sa break-up nila ng boyfriend niya. Baka nga naman biglang lumantad in public ang ex-dyowa ni Vice at maisipang mag-artista na rin, e, instant fame agad siya, ‘di ba?

Read more...