Chito naiyak matapos mag-propose kay Neri Naig

NERI NAIG AT CHITO MIRANDA

Simple pero very romantic ang naging proposal ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa kanyang girlfriend na si Neri Naig.

Chito posted a message on his @chitomirandajr Twitter account, “This is how I proposed to my girlfriend, Neri…she said YES!!! :)” and tagged a video of his proposal. Pinaniwala ni Chito si Neri na isang kaibigan ang gustong isama siya sa music video.

“Ang sinabi kong background niya…the back story of the video is naka-pang-farm siya, parang breezy na damit, naka-boots siya, parang farm girl, alam mo ‘yong parang naglalaro sa mga pelikula…mga fairy, ganoon na tipo. Maglalakad-lakad siya dito, tingin-tingin sa garden na maganda,” chika niya sa video na aming napanood.

Meron pang mga eksena na parang binibigyan niya ng instructions ang isang staff on how to execute a scene. Neri was also shown talking to a staff and telling him na madali lang siyiang magbihis.

Nag-alibi si Chito para makabili siya ng flowers for Neri na gagamitin niya sa kanyang proposal.

“Ang gagawin namin ngayon ay bibili ako ng bulaklak,” he said while driving his car. “Nagbigay ako ng excuse ako doon na habang naso-shoot sila supposed to be for the music view na hindi naman totoo, bibili na ako ng bulaklak para mamaya ‘pag nag-propose ako.”

Itsinika niya kung paano niya naisip ang concept ng kanyang wedding proposal.

“Ito ang kuwento noon, okay? I came up with a story na kunwari may music video kami na iso-shoot for typecast, ‘yung concept sa field, lakad-lakad. It’s a front kumbaga, para hindi siya magtaka kung bakit (may video). Kasi gusto kong i-document ‘yung proposal, eh,” he said.

Chito adds, “Ito ang best story na naisip ko na kunwari music video so hindi siya magtataka kung bakit may camera crew, kung bakit may set-up, may sound, may projector. I came up with a concept na kunwari lakad-lakad sa field tapos may makikita siyang projector.”

Noong take na, naglakad si Neri paharap sa isang giant screen at nagulat nang mabasa ang message na, “Ako na siguro ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong Cavite.” Lumabas naman si Chito na may dalang flowers at nag-iyakan na sila habang magkayakap. Lumuhod si Chito habang ino-offer ang engagement ring. After that, nagliwanag ang paligid dahil sa fireworks. Madrama at very romantic ang proposal video ni Chito at ang daming pumuri sa kanya.

Read more...