NAIMBIYERNA si Erwan Heussaff sa balitang naghiwalay na sila ni Anne Curtis.
Halatang may galit ang kanyang tweet, “Thanks for the concern, but let’s remember that FP isn’t BBC, there are more veracious sources of information out there. We are fine :)”
Ang feeling ni Erwan ay dapat siyang i-spare sa chismis dahil hindi naman siya celebrity kahit na romantically involved siya sa isa sa pinakasikat na female celebrity.
“Also, im not in showbiz, so my relationship is mine to keep precious and not yours to devour. If i dont’t post about it, thats my perogative (sic),” say pa niya.
What he failed to realize is that whether he likes it or not ay public property na rin siya because he is romancing Anne. Lahat talaga ay masusulat about him. Alangan namang isulat si Anne na hiwalay na sa kanya without mentioning his name.
Teka, how true ang chikang hindi mabenta ang tickets sa concert ni Anne Curtis?
While it is true na there are thousands of tickets sold ay marami pa ring available tickets para sa concert ni Anne. It is surprising na kahit na ang Patron A, B &C o Upper Box A & B tickets ay meron pa rin. Kung sold out kasi ang ticket ay kakalat iyon sa internet but as it is ay walang chikang ganoon kaya marami ang naniniwala na hindi mabenta ang second concert ni Anne.
Teka, hindi kaya ito ang dahilan kung bakit kumalat ang chikang hiwalay na sina Anne at Erwan? Ganoon din ang paniwala ng fans. Based on their reactions ay publicity stunt lang ang chikang split na si Anne kay Erwan para pag-usapan ang kanyang concert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.