Perfect example rin ng kumikitang show at album ay itong si Daniel Padilla na sa totoo lang ay hindi naman talaga ganu’n kaganda ang boses, pero selling like hotcakes ang mga album niya.
Isama mo pa ang concerts niya na laging soldout na kung tutuusin ay ordinaryo rin naman ang show, parang mall show na dinagdagan lang ng maraming design ang stage at maraming guests na ginawa sa malaking venue, pero punumpuno hanggang sa kaitaas-taasang upuan.
Anyway, nag-aabang na ang supporters ni Daniel sa possible guesting niya sa PBB All In.
Inanunsyo kasi ng programa na may celebrity na papasok sa PBB house na ang pangalan ay nagsisimula sa letrang D kaya’t iisa ang hula ng lahat, si Daniel nga iyon. Nagtanong kami sa taga-PBB kung kailan papasok si Daniel sa Bahay ni Kuya, ang sagot sa amin, “Wala pa pong sagot.”
Sinubukan naming magtanong sa taga-Star Magic, “Hindi pa sure, hinahanapan pa namin ng schedule.”
Abala raw kasi ang batang aktor sa shooting ng “She’s Dating A Gangster” kasama si Kathryn Bernardo, nakakaanim na araw pa lang daw sila mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Bukod sa “She’s Dating A Gangster” ay magsu-shoot din sina Daniel at Kathryn kasama si Vice Ganda para sa Star Cinema/Viva Films entry ngayong 2014 Metro Manila Film Festival sa direksyon ni Wenn Deramas.