Gayuma ng txm8 | Bandera

Gayuma ng txm8

Joseph Greenfield - May 15, 2014 - 01:34 PM

Sulat mula kay Neth ng  Esperanza, Sultan Kudarat
Dear Sir Greenfield,
Hindi ko alam kung ginamitan ako ng gayuma ng aking textmate dahil sa unang eyeball namin ay umibig agad ako sa kanya.  Hindi ko maintindihan kung ano ang nagaganap sa akin noon bagaman alam ko na may mga balita na napapariwara ang babae sa unang eyeball. Pagkakain namin sa resto, nagtungo na kami sa tahimik na lugar.  Agad kong ibinigay sa kanya ang aking pagkababae.  Nagalit ang mga kamag-anak ko nang malaman nila ang nangyari.  Hindi ko alam kung may orasyon siya o gayuma.  Compatible ba kami?  Magkakatuluyan ba kami?  Ang birthday ko ay October 17, 1992  at September 16, 1991 ang birthday niya.  Soulmate ko na ba siya?  Magiging habambuhay ba ang aming pagsasama?
Umaasa,
Neth ng Esperanza, Sultan Kudarat
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Posibleng ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong soulmate, ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung siya ang una mong boyfriend at may nangyari sa inyo at pagkatapos ay lalong lumalalim ang inyong relasyon at lalo kayong napapamahal sa isa’t isa, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Cartomancy:
Two of Hearts, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay medyo payat, na mas matangkad sa iyo, neat o mahusay magdala ng damit, habang ikaw naman ay medyo chubby na maliit, tulad ng nasabi na, walang alinlangan— kayo na nga ang magka-soulmate.

Sagot sa sulat  ni Neth ng Esperanza,  Sultan Kudarat
Problema:
1.     Hindi ko alam kung ginamitan ako ng gayuma ng aking textmate dahil sa unang eyeball namin ay umibig agad ako sa kanya.  Hindi ko maintindihan kung ano ang nagaganap sa akin noon, bagaman alam ko na may mga balita na napapariwara ang babae sa unang eyeball. Pagkakain namin sa resto, nagtungo na kami sa tahimik na lugar.
2. Agad kong ibinigay sa kanya ang aking pagkababae.  Nagalit ang mga kamag-anak ko nang malaman nila ang nangyari.  Hindi ko alam kung may orasyon siya o gayuma.  Compatible ba kami?  Magkakatuluyan ba kami?  Ang birthday ko ay October 17, 1992  at September 16, 1991 ang birthday niya.  Soulmate ko na ba siya?  Magiging habambuhay ba ang aming pagsasama?
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 1.) at Virgo naman ang lalaking textmate mo na naging boyfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo sa isa’t isa. Kung saan, dahil tugma at compatible kayo habang tumatagal, lalong iinit at magiging romantic ang inyong relasyon hanggang sa tuluyang mauwi sa pag-aasawa.
Numerology:
Ang mabuting balita, hindi lang kayo sa Astrology compatible o tugma, bagkus compatible at tugma din kayo sa Numerology, kung saan, ang birth date mo at ang sa boyfriend ay nagsasabing surweteng-surwete at magiging maligaya talaga ang inyong samahan.
Luscher Color Test:
Upang matiyak kung kayo na nga ang mag-soulmate kung sa unang araw ng inyong pagkikita ay naka-suot ng kulay puti polo o shirt ang boyfriend mo habang ikaw naman ay naka-pink or blue, sa ganyang palatandaan, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at habambuhay na magsasama.
Huling payo at paalala:
Neth, ayon sa iyong kapalaran, kung tumutugon sa nasabing mga palatandaan sa itaas, ang kasalukuyan mong boyfriend, matuwa ka at magpasalamat dahil kung iyong ibang mga babae ay dumadanas muna ng mga kalungkutan at kasawian sa pag-ibig bago matagpuan ang soulmate, lubha kang mapalad, dahil sa maagang edad tunay at ganap mo na ngang natagpuan ang iyong soulmate na sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, sigurado na ang magaganap – ang inyong samahan ay mamumunga ng maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending