Ai Ai sa 2016 Election: Sure na!


SA ginanap na FemiLift laser procedure presscon (o ang tinatawag na pussykip) ni Ai Ai delas Alas ay inamin niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang peg niya pagdating sa pulitika. Sigurado na raw siyang tatakbo sa 2016 elections.

Pero hindi pa raw alam ng komedyana kung mayor o congresswoman ang target niya. “Actually, matagal ko ng plano, three years ago pa, kinausap ko si ate Vi, nag-usap kami heart-to-heart, sabi niya, ‘Ai kung hindi ka pa ready by heart, ‘wag muna.’ Sa ngayon, ready na ako by heart, so game na!” sabi ni Ms A.

“Anything na ginagawa ni ate Vi, gagawin ko, idol ko siya, di ba? So gusto niyang pulitika, ako rin. Wala nga lang akong asawang senador, but later on, malay mo, di ba?” say pa ng komedyana.

Sa Calatagan, Batangas ang bayan ni Ms. A and as early as today ay wala pa raw siyang partido, “Wala pa, nagparehistro palang,” aniya.

Bukod sa idolo ni Ai Ai si Gov. Vi ay marami rin daw siyang gustong gawin para sa bansa, “Napu-frustrate ako (nangyayari), pero wala naman akong magawa, so baka pag nasa office ako, may magawa ako, iniisip ko pa, hindi ko pa alam din.

At inamin ni Ai Ai na kaya siya mag-aaral para in case raw na walang pork barrel, “Alam ko kung saan kukuha ng pondo para sa city.”

Aware rin daw ang “Tanging Ina” na iba ang intriga sa showbiz kesa sa pulitika, “Nandidiyan naman si ate Vi na tulungan ako mag-advise sa akin, at alam naman ng tao ang buhay ko, wala na silang masisira sa akin, maski sirain nila ako, wala naman na, eh.

Open book ako sa buhay ko, sa lovelife ko, sa pamilya ko,” say pa. At ang magiging focus daw ni Ai Ai kapag sa bayan niya sa Calatagan siya kakandidato, “Magfo-focus ako kung paano ko palakihin ang bayan namin, paano ma-improve, gusto kong maging second Boracay siya o Palawan, basta gusto kong mag-improve ‘yung Calatagan.

“Kung sa Congress naman, I think, gusto kong gumawa ng batas tungkol sa kababaihan, tungkol sa maraming bagay about women and children kasi di ba ‘yun ang naging problema ko, about battered wife, about children.

Gusto kong tulungan ‘yung mga ganu’n,” paliwanag ng komedyana. Pero hindi raw pinangarap ni Ms. A na tumakbong Presidente ng Pilipinas, “Anong gagawin ko, hindi ako marunong do’n.

Samantala, hindi naman daw totally mawawala sa showbiz si Ai Ai, “half-half lang” daw tulad ng idol niyang si Gov. Vi na isang beses lang puwedeng gumawa ng pelikula sa isang taon, “Once a year akong gagawa ng movie, walang teleserye, by heart magdadasal ako ng sobra-sobrang sign para roon,” say pa.

Samantala, timing din kung sakaling magpu-pulitika si Ai Ai dahil ang kontrata niya sa ABS-CBN at Star Cinema ay hanggang 2016, “Tatapusin ko ‘yun.”

Tinanong namin kung totoong walang pang-2014 Metro Manila Film Festival si Ai Ai tulad ng pangako sa kanya ni Star Cinema managing producer na si Ms. Malou Santos sa burol ng biological mother niya noong Enero 1 kung saan naroon din kami.

“Ay sabi ng Star, wala akong pang Metro Manila Film Fest ngayon, sa October daw ipalalabas ‘yung pelikula ko. Hindi siya pang filmfest,” sabi sa amin.

Speaking of “pussykip” ay nagpapasalamat si Dra. Vicki Belo kay Ai Ai dahil napapayag niyang maging endorser ng FemiLift dahil nga walang may gustong magsalita tungkol dito.

“When you say kasi vaginal tightening, it’s hard to market this, I really having a hard time asking everyone to help me and I’m so happy that Ai Ai is a woman who is willing to share her (story).

“Kasi it’s a secret thing, eh. Everytime na may pupunta sa clinic para mag-consult about, ‘puwede bang magpa-landscaping (sabay bulong), sabi ko, ‘Ano?’ So landscaping ang tawag nila sa flower arrangement na dati, surgical, ngayon laser na at saka 10 minutes na lang.

“So itong laser (femilift) na ito kapag ginawa mo, sobrang moist again and like a virgin,” paliwanag ng may-ari ng Belo Medical Group sa entertainment press.

Samantala, nabanggit ni Ms. A na, “Woman on top ako, eh. ‘Yun po kasi ‘yung nakasanayan ko kasi nu’ng araw hindi ako marunong mag-orgasm tapos natuto lang ako nu’ng second baby ko na.

“Nasa top ako kasi buntis nga ako tapos ‘yun lang ‘yung natutunan ko, ‘yun lang ang alam ko kung paano ako mag-o-orgasm,” dagdag niya.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Read more...