Claudine nakakaawa, pinagtawanan lang


Parang wala nang gustong sumeryoso kay Claudine Barretto, ‘no! E, kasi nga, sa dami ng mga nakachika namin tungkol sa mga bagong rebelasyon niya tungkol sa kanila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago, wala kaming narinig na kumampi sa kanya.

Sabi ng isang kapitbahay namin, talagang desperada na si Claudine kaya kung anu-ano na lang daw ang pinagsasasabi, e, halata naman daw na nagsisinungaling ito, lalo na doon sa kuwento niya na tatlong beses na raw pinagbantaan ang buhay niya at peke raw ang kasala nila ni Raymart.

Chika naman ng isa pang natatawa na lang sa bagong emote ni Claudine, “Wala kasi siyang pinagkakaabalahan masyado, wala siyang trabaho kaya ganyan siya, mag-move on na siya, gayahin niya si Raymart, tahimik lang at wala nang sinasabing masama laban sa kanya. Sa ginagawa niya, mas lalo lang siyang makakarma.”

Para naman kay Raymart, pagod na pagod na raw ito sa mga kasinungalingan ni Claudine, kaya hindi na siya magsasalita. Inatasan na lang daw ng aktor ang kanyang abogado para sagutin ang mga naging pahayag ng dating asawa.

Gusto naman daw iparating ng kampo ni Raymart kay Claudine ang mensaheng, “You are such a liar.” Samantala, muling nilinaw ni Claudine ang isyung may bago na siyang boyfriend.

Kumalat kasi sa social media ang litrato nila ng isang lalaking nagngangalang Mark Anthony. Sa interview ng Buzz Ng Bayan sa aktres, sinabi nitong wala siyang boyfriend at walang malisya ang pagyakap niya sa nasabing guy.

Paliwanag ni Claudine sa isyu, “He’s my stylist. He’s one of my stylists,” chika ng aktres. Dagdag pa niya, “Nag-thank you lang ako at nag-I love you. Ma-I love you naman akong tao talaga. ‘Yun lang naman ‘yun.”

( Photo credit to claudine barretto official fanpage )

Read more...