GOOD pm, doc. Tanong ko lang mayron po akong infecti0n sexual “UTI”, mag-1 year na po, hanggang ngayon hindi pa po ako nakakapagpa-checkup. Kasi nawala naman po nung uminom ako ng tubig ng butong at 3 months po na tubig na 1 lito kada araw. Hindi po ba ito delikado, doc? Wala naman akong nararamdaman. Sana masagot po ninyo ang tanong ko. — Annabelle, 21, Dumaguete, ….7010
Hi Annabelle! hindi basta-basta na gagaling ang urinary tract infection lalo na kapag sexually-transmitted ito. Specific bacteria ang pinag-uusapan dito at kinakailangan ng specific na antibiotics. Mahalaga kung ganun ang magpa-eksamen ng ihi (urinalysis) at baka kailangan din ng “culture & sensitivity test” para masigurado na ang ibinibigay na antibiotic ay tama. Mag-iingat ka, kasi delikado ang impeksyon na umakyat sa iyong reproductive organs gaya ng vagina, uterus, fallopian tubes at ovaries.
Good day Dr. Dineros, ano po bang gamot pag wala nang erection ang akin armas? Tuwing magtatalik kami ng GF ko at madali akong labasan, tapos hindi na po manigas ulit. Ano po ang dapat kong gawin? Jhon, Davao City, …0406
Hello Jhon! Bata ka pa para magkaroon ng ganitong kalagayan. Ang tawag dito ay premature ejaculation. Ang pinakamadalas na sanhi nito ay ang hindi tamang paggamit ng iyong seksuwalidad.
Ang pakikipagtalik ay hindi dapat makasarili, na ang nasa isip mo ay ginagamit mo lamang ang iyong girlfriend sa iyong pansariling kaligayahan. Alalahanin mo na ang kaligayahan niya muna ang dapat mong magampanan. Subali’t hindi rin nararapat na ihiwalay ang sekswalidad sa tamang relasyon, kung saan ang dalawang nag-iibigan ay dapat na mag-asawa na para lalong mapaunlad ang samahan at ang pagtatalik ay magbubunga ng supling (procreation).
Narito naman ang iba pang mga tanong na isa-isa nating sasagutin sa mga susunod nating kolum dito sa Dr. Heal:
DOC, ano po ba ang dapat kong gawin at mabago ang sistema ng katawan ko? Pag di po ako nakainom ng Redbull energy drink matamlay ako. Three years na akong umiinom nito. Kadalasan po 4 times sa isang linggo. Ano po ba ang maaaring bad effect nito sa katawan? At ano po dapat kong gawin, so far di naman ako diabetic? — Jury Arma, 40, Esperanza, South Cotabato
Hello po, tanong ko lang po kung bakit sumasakit ang gilid ng puson ko minsan. — Rosenda Watemar, 20, Antipolo City, …..0770
Good morning po doc, noong isang linggo po may kasamang dugo po ang dumi ko, hindi ko po yun pinansin pero ngayon me dugo pa rin po ang dumi ko. Medyo natatakot na po ako baka kung ano na po iyon. — Jeff, Fairview, ….5874
Hi po, doc. Yung baby ko yung balat nya meron pung pula-pula na magkakadikit. Ano po kayo iyon, doc? — Jessa Joy,20