The Buzz nina Boy at Kris balik sa ABS

By Reggee Bonoan May 13,2014
share this

The Buzz nina Boy at Kris balik sa ABS

By Reggee Bonoan May 13,2014
share this


Babalik na ang The Buzz sa Linggo, May 18 at balik-tambalan din dito sina  Kris Aquino at Boy Abunda. Namaalam na ang Buzz ng Bayan noong Linggo kaya’t babu na rin sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Inamin sa amin ng taga-ABS-CBN na hinahanap pa rin ng tao ang konsepto ng The Buzz at hindi nila type ang Buzz ng Bayan na hindi namin alam kung nakailang season.

Nu’ng una ay “no comment” pa ang sagot sa amin ni Kris nu’ng tanungin namin kung totoong babalik na siya sa The Buzz. Pero nitong huling tatlong araw ay nag-post si Kris sa kanyang instagram ng, “True Love has a habit of coming back” at sa ibaba ay nilagay niya ang petsang May 18, 2014.

Sa madaling salita ay si Kris na rin ang nagbigay ng hint sa followers niya na babalik na nga talaga siya sa nasabing programa tuwing Linggo.

Tatlo kasi ang programang nakalagay sa kontrata ni Kris at dalawa lang ang umeere, Kris TV at Aquino & Abunda Tonight kaya magiging pangatlo ang The Buzz na puro talk show lahat.

Tinext namin si Kris kung tuloy pa rin ang Aquino & Abunda Tonight sa kabila ng pagbabalik ng The Buzz at sinagot naman kami ng, “Super LAKAS A & A of course MAINTAIN.”

Kaya lahat ng nabiting usapan nina kuya Boy at Kris sa A&A ay itutuloy naman sa The Buzz.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending