Kung dati’y halos wala na tayong naririnig mula kina Gretchen at Marjorie Barretto patungkol sa kanilang bunsong kapatid na si Claudine, siguradong muling mabubuhay ang bangkay, dahil kung ano-anong patutsada na naman ang pinakawalan ni Claudine laban sa kanyang mga ate.
Kilala na ng buong bayan ang temperamento ni Gretchen, kapag napitik ang pinakasensitibong bahagi ng buhay ng aktres ay umaalsa siya, wala siyang pakialam kung sino-sino ang madadamay dahil paniguradong babalikwas si Greta para sagutin ang mga kuwento ng kanyang bunsong kapatid.
Akala pa naman ng marami ay tapos na ang kanilang sigalutan sa pagpapalitan nila nu’n ng mensahe sa pamamagitan ng social media, pero wala pa pala sila sa finish line, ang tawag nga ng mga kaibigan namin sa away nilang magkakapatid ay sosyal na away ng magagandang pigura.
Totoo naman kasi ‘yun, ang gaganda ng magkakapatid na Barretto pero kung mag-away sila sa harap ng publiko ay parang sa kusina lang ng kanilang bahay sila nagsasagutan, wala silang pakialam kung pinagpipistahan man sila ng buong bayan.
Kung bakit ibinubuyangyang na naman ngayon ni Claudine ang mga detalye sa away nilang magkakapatid ay tanging siya lang ang nakakaalam.
Puwedeng sasabog na kasi sa galit ang kanyang dibdib at puwede rin namang basta trip lang ng aktres. Komento ng isang malabigang kaibigan naming becki na nakapanood sa panayam kay Claudine habang galit na galit, “Kung ako sa kanya, gagamitin ko na lang ang oras ko sa pag-e-exercise.
Magpapayat na lang siya, huwag na siyang makipag-away, mas kailangan niyang magpapayat para hindi siya sinasabihang laos at baboy ng mga kapatid niya!
May punto ang aming kausap. Mas maganda nga namang magbahagi rin ng panahon si Claudine para sa kanyang sarili, kailangan na nitong mag-gym para mabawasan ang pabigat nang pabigat nitong timbang. Positibo nga naman ‘yun.
( Photo credit to claudine gretchen official fanpage )