IT’S been over three years akong tumayong publicist ng mahal nating si Laguna Gov. ER Ejercito and those years were truly so fruitful and full of fun. Masayang kasama kasi si Gov. ER and his family most especially his beautiful and sobrang-sipag na asawang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito.
But you know, may mga bagay-bagay lang talagang nagaganap along the way na hindi maiwasan. And the best way to deal with it is make some decisions – maybe harsh at times pero siyempre, you have to consider some factors.
Ako kasi, I just want a less stressful life now – ayoko nang masyadong magpagod. Hindi naman pera ang isyu eh, may mga bagay-bagay lang kasing ikinau-offend natin with each other na minsan ay mahirap intindihin.
It’s not all his fault naman, I plead guilty to some too. Pero sabi ko nga, habang may natitira pang pagmamahal at respeto sa isa’t isa, might as well end everything peacefully.
I will continue to pray na magtagumpay si Gov. ER sa lahat ng kaniyang advocacy sa buhay – na marating pa niya ang mga magagandang pangarap niya para sa kaniyang pamilya at nasasakupan.
Napakasipag niyang tao, wala kang masasabi sa kaniya kaya lang, since hindi na naman ako bumabata, I guess I want to make some left and right turns sa buhay.
Now I made a decision and Gov. ER fully respects it too – I am no longer connected with him as his official publicist. I can still be a friend to him siguro, meaning, I may not see him anymore pero hindi rin ako papayag na merong sumira sa kaniya dahil I know kung gaano siya kabuting tao.
My reason for resigning is very personal and professional in a way. Nagbawas lang ako ng loads sa buhay. May mga sarili lang akong priorities ngayon, simpler they may be pero mas ikasasaya ko.
He’s a wonderful friend – one of a kind kaya lang, napagod lang siguro ako. Dami lang pressures lately kaya nagbawas lang ako ng stress. Baka maaga akong mawala pag nagpakapagod pa ako sa buhay.
Kayo rin, mami-miss niyo rin ako. Ha-hahaha! Inuulit ko, napakabuting tao ni Gov. ER and wish ko nga sana ay maging pangulo ng bansa iyan one day dahil pag nangyari iyon, this must be a very beautiful and safe place to live in.
May mga bagay-bagay lang talagang di na natin kaya pa kaya we have to make decisions. From now on, enough na muna of Gov. ER sa buhay ko, masyado lang siguro kaming um-OA sa kasipagan to the point na nakalimutan naming may mga obligasyon kami sa aming mga sarili.
I’m okay na, definitely we will enjoy life and this world without each other. Oks na iyon. Ang mahalaga ay na-save namin ang friendship kahit paano. Mahal na mahal ko ang taong iyan.
I just want to take a respite from this masalimuot na mundo. I will always treasure him in my heart – he’s a sweet friend.
Ciao!
( Photo credit to er ejercito official fanpage )