Vhong nasa panganib pa rin, dapat mag-ingat sa mga nakatakas na akusado | Bandera

Vhong nasa panganib pa rin, dapat mag-ingat sa mga nakatakas na akusado

Alex Brosas - May 12, 2014 - 03:00 AM


Tahimik na ang kapaligiran ngayon ni Vhong Navarro. Unti-unti na siyang nakakasilip ng liwanag sa mga asuntong isinampa niya laban sa tropa nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Nakakulong na ngayon ang dalawa at ang isa pang kasamahan ng mga ito na sangkot sa hindi malilimutang gabi sa buhay ng actor-dancer, nakalalaya pa ang ibang kasama sa pambubugbog sa kanya, pero napakaliit ng Pilipinas para matakbuhan nila ang batas.

Kapansin-pansin na kung gaano kadaldal nu’n sina Cedric at Deniece ay ‘yun naman ang ikinatahimik nila ngayon, natuto na ng leksiyon ang dalawa, matinding payo ang siguradong nanggaling sa kanilang mga abogado na huwag nang magsalita pa tungkol sa kanilang kundisyon ngayon.

Hindi umepek ang pag-iikot nila nu’n sa lahat ng networks, natuloy pa rin ang pagkakaso sa kanila ni Vhong Navarro, agaran namang dininig ng DOJ ang mga kasong ‘yun na naghatid sa kanila sa kulungan.

Pero nag-aalalang sabi ng isa naming kaibigan, “Pero hindi pa rin dapat matahimik ang loob ni Vhong, may mga kasama pang nakalalaya sina Cedric at Deniece, malay niya, baka bago magpahuli ang mga ‘yun, e, may gawin pa rin sa kanya?

“Mahirap na. Kung anong pag-iingat ang ginagawa niya nu’n, e, ganu’ng pag-iingat pa rin ang dapat niyang gawin ngayon. Mahirap na!” sabi pa ng aming source.

Ibang klase talagang magbiro ang kapalaran, sino ba ang mag-aakala na ang mga tulad nina Cedric at Deniece ay hahantong pala sa kulungan? May sinasabi sa buhay si Cedric, kilala sa mundo ng negosyo, pero ito ang kanyang kinahinatnan.

Lagi naming sinasabi na iba ang hingi, iba ang balato, at lalong iba ang utang. Ang utang ay pinagbabayaran sa takdang panahon sa ayaw at sa gusto natin.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending