Kris nag-iipon na, bibili ng sariling TV Network

BUMALIK na sa Pilipinas si Kris Aquino from the US and by this time naka-P150 million na rin ang MMFF movie niya na “Segunda Mano.”

At ang tanong, tutuparin daw kaya ni Kris ang sinabi niya sa unang presscon ng “Segunda Mano” na kapag naka-P150 million sila ay iti-treat niya lahat ng entertainment press na present that night ng isang push cart na punumpuno ng grocery items ng mga ine-endorse niyang products.

Nakausap namin ang partner na producer ni Kris sa “Segunda Mano” na si Edgar Mangahas and he told us na hindi raw kukunin ng Queen of All Media ang kanyang share sa kita ng movie but instead paiikutin niya ito bilang puhunan sa binabalak nilang itayo na TV network.

Habang ang sariling outfit ni Edgar na MGM Productions ay magsisimula nang mag-shoot this January for their next movie kasosyo ang Spring Films nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at direk Joyce Bernal, ang “Kimmy Dora 2.”

Nabanggit din sa amin ni Edgar na ang MGM ay galing sa first letter ng pangalan ng tatlo niyang adopted children.

Feeling nga ni Edgar mas maswerte siya sa pagpo-produce ng pelikula kesa sa concert.

Nevertheless, may malaking concert ulit na prinodyus si Edgar this year, this time, ang international singer na si Brian McKnight naman ang kukunin  nila.

Anyway, tiyak na nag-enjoy ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby sa panonood sa “Spiderman”, “Lion King”, “Radio City Spectacular”, “Rock of Ages” at “Adam’s Family” sa Broadway.

Tatanungin namin si Kris kung nag-enjoy ba siya sa one-man show ni Hugh Jackman popularly known as Wolverine.

Sa birthday naman ni Kris naka-book na sila for Tokyo, Disneyland from Feb. 10 to 15. Hindi pa raw kasi sila nakakapunta doon ng mga anak niya.

Then, ang last vacation niya for the year ay another Disney cruise. Sasakay sila sa bagong Disney Dreamer Fantasy ship for a Carribean cruise.

“Care ko sa mga port, hindi naman kami bumababa. ‘Yung mga anak ko lang gusto nila ‘yung ship talaga at ‘yung show gabi-gabi.

At ‘yung mag-character breakfast. Ewan ko ba, gusto ko na nga lang kunin ‘yung mga mascot dalhin sa bahay. Kasi ‘yun lang naman ang tuwnag-tuwa sila talaga.

“So, ‘yun, until May kasi ‘yun ang pinaalam ko. I have to give my calendar to Deo (Edrinal, manager Kris) so they could work on the ano, tinanong ako kasi ni Deo, you have to choose, movie or a soap,” kwento ni Kris.

Read more...