Curious kami kung sino ang mga bida sa drama movie na entry ng Star Cinema ngayong 2014 Metro Manila Film Festival.
Tatlo raw kasi ang pelikulang ilalahok ng Star Cinema sa MMFF ngayong Disyembre, ang Vice Ganda-Kathryn Bernardo-Daniel Padilla movie, tapos ang pelikula nina Kris Aquino at Coco Martin at isang drama nga.
Nagtanong kami sa taga-Star Cinema tungkol sa drama movie, “Wala pang casting, plano palang, bumubuo pa,” sabi sa amin.
Bukod dito ay inaalam pa raw ang schedules ng mga artistang planong pagsama-samahin.
Tiyak ng comedy-light drama ‘yung kina Daniel, Kathryn at Vice samantalang horror ‘yung kina Tetay at Coco? Anyway, sana makabuo ulit ang Star Cinema ng tulad ng “Four Sisters and A Wedding” na napagsama-sama ang mga sikat na artistang babae ng ABS-CBN.
Bakit kaya hindi naman mga artistang lalaki ang pagsama-samahin, for a change tulad nina Sam Milby Jericho Rosales, Rayver Cruz, Zanjoe Marudo at John Lloyd Cruz plus Angelica Panganiban, Maja Salvador at Alex Gonzaga (para may komedyana).
( Photo credit to EAS )