ALL set na ang ginagawang paghahanda sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy sa TV5. Inuuna na nila ngayon ang detalye sa mga gagawin nilang auditions all over the country.
And so far, si Ryan Agoncillo pa rin ang magho-host sa pagbabalik ng show sa ere. Muli kaming tinawagan ng aming source tungkol sa pagbabalik ulit ni Ryan sa TV5.
Though it’s true na alam ng mister ni Judy Ann Santos na babalik naman talaga ang TP na sinabi sa kanya ng management pagkatapos sibakin noon ang talent search, syempre anything can still happen.
Pwede rin kasing mabago ang desisyon ng TV5 na huwag na lang ituloy ang show at bumuo ng ibang konsepto or tuloy ang show pero iba na ang host, something like that.
Kaya wala rin talagang assurance na pinanghahawakan si Ryan na sakaling ibalik ang TP, e, siya pa rin ang kuning host ng Singko. Kaya true raw na nagdamdam si Ryan nu’ng mawala on air ang Talentadong Pinoy kahit sandali lang.
Malaki naman kasi talaga ang naging attachment ni Ryan sa show. At hindi lang sa show, kundi maging sa buong staff na parang naging pamilya na rin niya talaga.
Nag-alala rin noon si Ryan sa staff na kasama niya noon na kapag nawala sa ere ang programa ay wala na silang kasunod na show sa TV5. Pero ‘yun nga, hindi naman nagtagal ang pagkawala ng show na pinagkakakitaan ang staff ng TP.
At ngayon nga, buhay na buhay na naman ang staff ng show. And of course, may tsansa na ulit ang mga Pinoy na may kakaiba at kamangha-manghang talent na magpasikat. Kaya masaya na ulit ang lahat sa Happy Network.
( Photo credit to ryan agoncillo official fanpage )