April Boy Regino nag-retire na sa pagkanta, anak papalit sa iniwang trono


Most Requested Song (MRS) ang tawag ng mga istasyon ng radyo sa mga kantang hinihiling ng ating mga kababayan para marinig nila sa himpapawid. Ngayon pala ay meron na ring MWS, Most Wanted Song, ang mga piyesang hinihiling ng mga Pinoy na sana’y marinig nila nang maraming beses sa maghapon.

Pabalik na sa Amerika si JC Regino nang tawagan sila ng pamosong kompositor na si Vehnee Saturno para sabihing meron itong piyesa para sa binata ni April “Boy” Regino.

Pinakinggan nila ang piyesa, ini-record ni JC Regino, saka nila dinala sa MCA Music. Nagustuhan ng recording company ang piyesa, dinagdagan pa ng ilang komposisyon, ngayon ay may album na si JC at isa nga ang awiting “Wasak” sa pambato ng kanyang album.

Hindi mamumunga ng santol ang mangga, sabi ng mga kababayan nating nakakarinig sa “Wasak”, April Boy na April Boy nga naman kasi ang boses ng kanyang anak na si JC kaya lang ay binigyan ng bagong atake ng binata ang kanyang piyesa.

Hindi na muna babalik sa Amerika si JC para magtrabaho sa isang bangko sa Los Angeles, bibigyan muna niya ng pagkakataon ang kanyang talento para makilala rin sa Pilipinas na tulad ng kanyang ama, masuwerte si JC dahil ngayon ay Most Wanted Song na ang “Wasak” sa mga FM stations.

Nagretiro na sa pagkanta si April “Boy” Regino, ipinaubaya na ng Jukebox King at Idol Ng Bayan ang entablado sa kanyang anak, ang tinututukan ngayon ni April Boy at ng kanyang misis na si Madel ay ang kanilang negosyo.

Bukod sa mga panalangin at patnubay ng kanyang mga doktor ay matindi ang paniniwala nina April Boy at Madel na gumawa ng milagro sa kanyang paggaling sa prostate cancer ang Sante Pure Barley, ang produkto mula sa New Zealand na napakaraming sakit na napapagaling, kaya nagtayo sila ng kompanya na ang tanging produktong inirerekomenda nila sa ating mga kababayan ay Sante Pure Barley.

Sinserong pahayag ng Jukebox King, “Gusto ko lang pong i-share sa mga kababayan natin ang matinding tulong na nagawa ng Sante Pure Barley sa sakit ko.

Kung ano po ang napatunayan kong nagpagaling sa akin, ‘yun po siyempre ang gusto kong mangyari rin sa mga kababayan natin.”

Napakarami na naming naririnig na patotoo tungkol sa husay ng Sante Pure Barley, marami na rin kaming mga kaibigang gumagamit ng Barley juice at capsule, positibo ang kanilang mga pahayag na napakabisa talaga ng wheat grass mula sa New Zealand na araw-araw na nilang iniinom ngayon.

( Photo credit to EAS )

Read more...