Sulat mula kay Dina, ng Almagro, Samar
Dear Sir Greenfield,
College graduate ako, pero hanggang ngayon ay tambay at walang trabaho dito sa Calbayog City. Hindi naman ako tumitigil sa kahahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa mga magulang ko. Malaki na ang nagagasta nila sa akin, pati na ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Hanggang ngayon ay hindi pa ako naapagbibigay ng pera sa kanila. Ako’y masipag pero bakit hindi pa rin nagkakaroon ng trabaho? Kailan ba ako magkakaroon ng trabaho? Ang sabi ng nanay ko, kontakin ko raw ang pinsan ko na nasa Hong Kong baka raw ako matulungan. Kaya lang, hindi trabaho sa pinag-aralan ko ang naghihintay doon. Sir Greenfield ano po ba ang nakikita ninyo sa aking kapalaran? Kailan ako magkakaroon ng trabaho at kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad po kaya o dito lang din sa ating bansa? May 13, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Dina, ng Almagro, Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Hindi ka rito sa ating bansa magkakaroon ng maganda at regular na trabaho kundi sa ibang bansa.” Ito ang
Cartomancy:
Five of Clubs, Queen of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, dili’t iba kundi ang iyong pinsan na nasa Singapore, tiyak ang magaganap, pagkalipas ng walong buwan, may mabiyaya at mabungang paga-abroad na magaganap. Itutuloy
Trabaho sa abroad
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...