HOROSCOPE, May 10, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, May 10, 2014

Madam Sophia - May 10, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal sa buwang ito ng Mayo kusang darami ang maraming salapi. Sa pag-ibig, ngayong tag-araw, habang nasa dalampasigan, ipalasap sa kasuyo ang pinaka-masarap na halik na hindi nya pa natitikman. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.”  Blue at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Ituloy ang binabalak, sa susunod na mga araw may malaking pagwawagi at kaligayahang malalasap. Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”.  Red at yellow ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)—   Sa pinansyal, iwasang gumasta ng gumasta sa walang kapararakang mga bagay, pag handaan ang nalalapit na pasukan. Sa pag-ibig, ituloy ang binabalak na night swimming upang mapawi ang maalinsangang panahon. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Bilis ang susi upang magtagumpay. Sa pinansyal, anoman ang maisip na negosyo ipatupad mo agad. Sa pag-ibig, sunggaban ang isang Sagittarius na noon pa sa iyo may pagnanasa. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Sa pag-ibig muling titibok ang puso, dulot ng isang kaibigang Scorpio. Sa pinansiyal, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain at tindahan. Mapalad ang 4, 16, 23, 31, 40, at 49. “Aum-Bhanah-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kung nararamdaman mong hindi pumapabor sa yo ang kapalaran magsuot ng  dilaw. Sa nasabing kulay kusa ng gaganda ang takbo ng mga sitwasyon. Sa pag-ibig, sa damit na dilaw lalo kang gaganda at magiging kaakitakit. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45.  Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Bukod sa yellow ang orange ay buenas.
 Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pag-ibig at pinansyal, kumalmante ka lang at iwasang uminit ang ulo, sapagkat sa susunod na mga araw higit sa iyong inaasahan ang darating na magagandang kapalaran. Sa pag-ibig panatiliin ang pagkahaling sa isang chubby na nilalang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 44, at 48. Mahiwa mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Hindi mo na maibabalik ang nakraang masayang suyuan. Pagtiygaan na lang ang kasalukuyang kasuyo kaysa muli pang magulo ang buhay mo. Sa pinansya, muling aangat ang kita sa buwang ito ng Mayo.  Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kevahlam.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Pagkakataon mona upang gumanda ang iyong career, kung magpapakumbaba ka at lalapit sa isang kaibigang Aries. Siya ang makakatulong sa iyo. Sa pag-ibig, wala talagang kauuwian ang isang relasyong ikaw lang ang seryoso. Mapalad ang 2, 7, 125 34, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Red at gold ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pinansyal, somosyo sa kaibigang isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23 upang mas mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, hinihintay ka parin ng kasuyong Aries, maaari mo siyang balikan. Mapalad ang 3, 12, 29, 36, 39, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Pink ay maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ipagpatuloy ang dati ng ginagawang kasipagan. Ngayong tag-araw, dagdag na salapi at mas malaking kita ang matitikman.  Sa pag-ibig, isang Cancer at isang Sagittarius ang magbibigay sayo ng dagdag na suwerte at masarap na romansa. Mapalad ang 4, 13, 28, 35, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaliguya-Naneh-Om.” Yellow at green ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)— Magulo na naman ang isip mo. Upang makabalik sa realidad, makipag-kuwentuhan sa kaibigang Virgo. Sa pag-ibig, wala na mamang “future” ang relasyong napasukan mo, kalian ka ba magbabago? Mapalad ang 4, 13, 222, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Devah-Om.” White at orange ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayong tag-araw, simulan na ang pangarap na pagsusulat. Sa larangan ng panitikan may malaking pagsikat na makakamit.  Sa pagiibig yayain ang kasuyo na mag-swimming sa isang lugar na malapit sa dagat na hindi nyo pa napuputahan. Mapalad ang 2, 10, 19, 24, 40, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatr-Om.” Green at pink  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending