HAPPY Mother’s Day!
Kung tatanungin natin ang mga nanay nang “mahirap bang mag-alaga ng pamilya?”, lagi nating maririnig ang sagot na “mahirap na masarap”.
Totoo naman talagang mahirap maging ina, dahil sa napakalaking sakripisyo na kailangan ibuhos niya para lang mapanatiling buo ang pamilya.
Kaya naman ang tawag sa ating mga nanay ay “ilaw ng tahanan”. “Homemakers” ang tawag sa ating mga mothers dahil siya ay nagsisilbing “glue” para sa pagkakaisa ng lahat ng myembro ng pamilya. Napakalaki ng katungkulan na ito kung kaya naman nararapat lang na bigyan ng karangalan ang mga nanay hindi lang sa Mother’s Day kundi everyday.
Ang “mothering” ay ang kabuohan ng mga gawain ng isang ilaw ng tahanan. Ginagawa ng isang ina ang lahat ng nararapat para buhay ang pamilya, gumagalaw sa tamang “dynamics” (functional) at sinisikap nya na mapalapit sa Panginoong Diyos ang buong pamilya.
Hindi lang ito pagta-trabaho dahil sa responsibilidad kundi ang dedikasyon ay isa nang “vocation” paraan patungo sa “holiness”.
Nag-uumpisa ang mothring sa pag-aaruga sa asawa; pag-aalaga at pagpapalaki ng mga anak, at walang retirement dito. Ang pagtulong sa kapwa, pag-aaruga sa ibang taong may mga pangangailangan, pag-pupuno ng mga kakulangan ng kapwa ay “extensions of mothering”.
Ang pagiging maka-Diyos ang siyang pangunahing basehan ng mothering. Dahil dito, nagiging maka-tao siya at hindi maka-sarili. Mapagbigay siya, maunawain, matulungin, mapagpatawad, masayahin, taga-dala ng “good news”, mapag-aruga at maalalalahanin. Ito ang mga katangian ng ating mga nanay, inang, inay, mommy, mama at kung ano pang tawag natin sa mga nagluwal sa atin.
Minsan ay nakapanayam ko ang dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. Sabi niya, kapag nawalan ka ng ina, nawala na ang halos lahat ng pag-alaga sa iyo. Ganoon kahalaga ang kanyang ina sa kanya.
Dahil dito ay ipinag-ibayo niya ang konsepto ng mothering sa pamamagitan ng pangmalawakang pag-aaruga hindi lang sa kanyang sariling pamilya kundi sa buong mamamayang Pilipino at pati sa buong mundo.
Inumpisahan niya ang mothering centers na siyang unang magbibigay para sa mga pangangailangan ng mamamayan.
Maganda para sa kalusugan ng isang babae ang magampanan niya ang kanyang mga katungkulan bilang isang ina. Kapag minahal niya ang gawain ng mothering, mapupuno siya ng pagmamahal na mas higit pa sa pagmamahal na kanyang ibinuhos.
Saludo tayo sa lahat ng mga ina sa buong mundo!
Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad nga ting kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera. Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com. Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi pati na rin ang inyong mga gawain at pamumuhay (LIFESTYLE) na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusugan para sa kaalaman ng lahat at lalo na sa inyong pansariling kaangkupan (FITNESS).