Vhong nagpigil sa talakerang lola ni Deniece

VHONG NAVARRO AT SOLENN HEUSSAFF

Nakita namin sa news reports ang pagsigaw ng nagpakilalang lola ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro noong magkita-kita at magharap-harap uli ang mga sangkot sa “Vhong-Deniece” case.

Nakaka-stress panoorin kahit pa tikom ang bibig ng mga lawyers ng bawat panig at lalo na ng mga akusadong sina Deniece, Cedric Lee at iba pa, kaya’t nakakabigla talagang marinig ang eksena ng lola ng nabanggit na rape victim diumano.

We really wanted to understand the lola, pero alam nating bugso yun ng kinimkim niyang emosyon at dahil noon lang marahil niya nakita si papa Vhong kaya’t di siya nakapagpigil dito.

We have but high praises naman kat Vhong dahil tama lang ang ginawa niyang hindi pansinin at patulan ang matanda. Pero ramdam na ramdam din namin ang pagpipigil nito lalo pa’t noong una nga nama’y siya itong bugbog sarado literally and physically.

Kaya’t mabuti nang nag-umpisa ng gumulong ang kaso at hahayaan na lang natin ang husgado ang sumuri at magtimbang ng mga bagay-bagay.

Read more...