Alok: 2 kasal | Bandera

Alok: 2 kasal

Joseph Greenfield - May 08, 2014 - 01:19 PM

Sulat mula kay Lanie,  ng Barangay New
 Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Dalawang lalaki ang halos magkasabay na nag-alok sa akin ng kasal dahil dalawa ang boyfriend ko at kapwa ko sila mahal.  Hindi ko rin maintindihan kung bakit namamangka ako sa dalawang ilog.  Ibig kong malaman ang nakikita ninyo sa aking kapalaran.  Ang una kong boyfriend ay isinilang noong Set. 20, 1987.  Ang ikalawang boyfriend ko ay isinilang noong Peb. 11, 1986.  ang birthday ko po ay Mayo 13, 1988.
Umaasa,
Lanie, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa nga ang namataang Marriage Line (Illustration 1. Arrow  1. at 2.) sa iyong palad, kaya mahihirapan ka talagang pumili kung sino ang dapat mong pakasalan sa kanilang dalawa, dahil ang nasabing guhit ng pag-aasawa ay halos mag sing-linaw at magsing-haba.  Ganonpaman, may posibilidad na kung ano ang unang naging boyfriend mo sa kanila, iyon na rin ang iyong mapapangasawa.
Cartomancy:
Queen of Spades, Queen of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa kasalukuyan, sadyang malilito ka talaga, pero paglipas ng dalawang buwan, makapagde-desiyon ka na. Kung saan, ang lalaking mas may edad o mas matanda na may mas matatag na trabaho at medyo maputi ang kulay ng balat ang siguradong pipiliin mo sa sandaling nagpasya ka ng mag-asawa.    Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending