Anne buwis-buhay ang gagawin sa concert, ikinuha pa ng multi-million peso insurance

Kakabugin ang kahit na ano pang pinaka-pinag-usapang concert sa bansa ng second solo concert ni Anne Curtis, “The Forbidden Concert! Annekapal”, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 16.

Hindi lang sa biritan lalaban si Anne, kundi maging sa death-defying at “forbidden” aerial stunts na ngayon pa lang gagawin ng kahit na sinong local concert artist at ni-research pa ng “Annekapal!” team abroad.

Lilipad siya sa buong Araneta Coliseum habang sumisirku-sirko gamit ang harness na mula pa sa sikat at sosyal na Broadway production, “Cirque de Soleil”.

Nu’ng una, ayaw sanang payagan ng Araneta management ang ideya ng paglipad ni Anne sa buong coliseum dahil napakadelikado raw. Ilang beses nakipag-usap ang Viva Concerts at Annebisyosa Productions sa Araneta at muntik pa nga silang magpalit na lang ng venue.

Buti na lang, nagkaayos din ang magkabilang panig at eventually, pinayagan na rin ng Araneta ang gustong mangyari ng kampo ni Anne.

Dahil sa nasabing buwis-buhay aerial stunt, ikinuha rin ng Viva ng multimillion-peso insurance ang TV host-actress, na excited na excited tuwing nire-rehearse ang gagawing paglipad sa isang concert for the first time.

Hindi lang ’yan, ang isa pang sorpresang dapat  abangan ng concertgoers ay ang costume changes ni Anne. Sosyal at state-of-the-art ito, ha. De-pindot ang bawat pagpapalit niya ng damit, na kung tawagin ay mechanical costume change.

Isa sa mga de-kalibreng designer na gumawa ng isusuot ni Anne sa concert ay ang The Blondes, isang New York-based design duo na nakatrabaho na ng mga sikat na international artist gaya nina Beyoncé, Christina Aguilera, Jennifer Lopez, Miley Cyrus, Katy Perry, Taylor Swift at Selena Gomez.

Special guests sa concert sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Robert Seña with Vhong Navarro, Luis Manzano at Billy Crawford. Ang tickets ay mabibili sa SM Ticketnet.

Samantala, patuloy na nagte-trending gabi-gabi ang Primetime Bida serye ni Anne na Dyesebel sa ABS-CBN. Kaya naman wala nang mahihiling pa ang TV host-actress dahil tuloy ang pag-ulan ng blessings.

( Photo credit to anne curtis official fanpage )

Read more...