Sulat mula kay Garfield ng Leyte, Leyte
Problema:
1. Kahit mahirap lang kami ay napagtapos naman ako ng aking mga magulang sa kursong marine transportation. Malaking karangalan ito para sa akin dahil kahit saan ako magpunta at mag-apply ay college graduate rin naman ako. Pero hanggang ngayon ay di pa sumasakay ng barko kahit na inter-island lang. Nakita ko na kahit domestic shipping ay palakasan din lalo na sa manning.
2. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Pero hindi naman ako humihinto sa kahahahanap ng bakante sa mga shipping at manning agencies. Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag. Baka tumanda ako nang di nakasasakay ng barko. Ako ay ipinanganak noong Marso 26, 1991.
Umaasa,
Luke ng Garfield ng Leyte, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang tutulong sa iyo ngayong taon upang makapangibang-bansa at matupad ang pangarap mong maging isang seaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa buwan ng Marso hanggang Abril sa taon 2015. Kung lagi kang magsusuot ng kulay na pula at dilaw, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka na sa iyong career.
Graphology:
Upang mas madaling matupad ang magandang kapalaran sa larangan ng pag-aabroad at pagse-seaman, pagandahin mo ang iyong lagda. Magagawa mo ito kung sa halip na tapusin ang letrang “t” sa isang malaking bilog sa iyong apelido, gawin mong simpleng “t” na lang ang nasabing letra na may mahabang krokes. Sa ganyang lagda, magtatagumpay ka na at magiging maligaya.
Garfield, ayon sa iyong kapalaran, sadyang stagnant o walang pagbabago ang magiging takbo ng buhay mo hanggang sa taon ito. Ngunit pagsapit ng taon 2015, mala-dramatikong magbabago ang iyong kapalaran. Mula sa paista-istambay lang ay magkakaroon ka ng regular na trabaho sa ibayong dagat. Sa nasabing pag-aabroad, tulad ng naipaliwanag na ay tuloy-tuloy ka nang uunlad at makakaipon nang sapat na halaga upang makapagtayo ng isang asensado at maunlad na pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
