OFWs sa Libya sanay sa putukan | Bandera

OFWs sa Libya sanay sa putukan

Susan K - May 07, 2014 - 03:00 AM

MAS kakaba-kaba kapag tahimik ang paligid.

Ito ang kuwento ng mag-asawang OFW na matagal nang nagtatrabaho sa Libya.

Nang pumutok ang gera, tumakas sila na walang bitbit kundi ang kanilang sarili at isang bag.

Sumunod sa bawat tagubilin ng pamahalaan na lisanin ang Libya sa lalong madaling panahon.

Pag-uwi sa bansa, nahirapan silang makakuha ng anumang trabaho o kahit sideline man lang.

Ngunit tuloy pa rin ang gastos – nariyan ang hinuhulugang bahay, pinag-aaral na mga anak, pagkain, bayarin sa kuryente, tubig at telepono.

Higit na ipinagpapasalamat na lamang ng mag-asawa ay naging masinop sila sa kanilang mga kinikita habang nasa abroad.

Nakapag-ipon sila at iyon ang ginagamit sa mga panahong wala silang trabaho.

Naging matalino ang mag-asawa sa tamang paggamit ng kanilang pera, isang bagay na hindi nagagawa ng marami nating mga kababayang OFW.

Ngayon, ang perang naitabi ang nagsasalba sa kanila.

Naaalala ko tuloy na napakarami nating mga kababayan na galing noon sa Libya ang nagsisisi kung bakit pa umano sila umuwi.

Sana ay hindi na lang daw bumalik sa Pinas para hindi dinadanas ang matinding hirap dito.

Marami rin tayong mga kababayan noon ang pabalik-balik sa Bantay OCW at iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang matulungan silang makuha ang mga suweldong hindi naibigay ng kanilang employer.

Dalawang taon din ang tiniis ng mag-asawa ng walang trabaho, hangga’t tawagan silang muli ng kanilang dayuhang employer na nakabase sa Libya.

Hindi na sila nag-atubili pa kung tutuloy o hindi.

Mabilis nilang isinaayos ang kanilang mga dokumento at kaagad bumalik ng Libya. Ito na lamang umano ang tanging paraan upang makabawi sila sa matagal na panahon nang walang trabaho sa Pilipinas.

Malaking adbentahe na rin dahil mag-asawa silang kinuha ng kanilang employer.

Pagdating ng Libya, nakaririnig pa rin sila ng mga putukan. Sa gabi, parang bagong taon dahil sa putukan at mga pagsabog.

May mga panahong hindi na sila natutulog sa kanilang mga kama at baka matamaan ng ligaw na bala.

Nasanay na sila sa ganoong sitwasyon. Kaya kapag walang putukan, mas kabado sila dahil hindi normal ‘yun

Sino nga naman ang makapagsasabing ang mga kababayan nating ito aysanay na ring mamuhay ng normal sa gitna ng kaguluhan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870 E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending