Malakas na raw ang usap-usapan na sa next elections ay tatakbo raw bilang mayor ng Quezon City itong si Bossing Vic at kakalabanin si Mayor Herbert Bautista.
Ayon pa sa tsismis, kalat na kalat na raw sa Quezon City Hall na papasukin na ni Bossing Vic ang pulitika.
Ito’y sa kabila nga ng mga dating statements ng TV host-comedian na never siyang tatakbo for any government position.
Kaya feeling namin, hindi naman ito totoo. In his past interviews kasi ay sinabi pa ni Vic na kuntento na siya sa pagiging artista at TV host.
Pero come to think of it, hindi naman natin hawak ang kanyang pag-iisip. Kung tatakbo man siya, tiyak na may compelling reason siya for doing so.
Isa na nga diyan ang patuloy na pagkumbinse sa kanya ng ilang sektor para makapaglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagiging mayor o senador for that matter.
Let’s just wait kung mag-a-announce nga si Bossing ng kanyang kandidatura sa darating na election.