Chiz baka isuka lang ni Mar

PAANO nga kaya kung magbiro ang tadhana sa 2016 election at magbaliktad ang nangyari noong 2010?

Naalala pa ba ninyo na bago ang 2010 polls ay nangunguna sa mga survey si Mar Roxas, ang kalihim ngayon ng DILG, sa pagka-bise president?

Kulelat noon si Jejomar Binay. Akala pa nga ng iba joke ang kanyang pagtakbo bilang kapareha ni Erap.

Nang unti-unti nang umaangat ang rating sa mga survey ni Binay, nagpasaring pa noon si Roxas, sabi niya mag-unahan na lang daw sila ni Legarda sa pagiging number 2. And the rest is history.

Para naman sa nalalapit na 2016 polls, marami ang nagsasabi na masyado pang maaga para magkaalaman kung sino ang malamang na manalo.

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong Marso, si Binay ang nanguna at nangulelat naman si Roxas. Palit na sila ng sitwasyon. Ang tanong ngayon ay kung kaya ba ni Roxas na mabaliktad ang sitwasyon, gaya nang ginawa ni Binay noong 2010?

May mga bali-balita na kung sino ang gusto ni Pangulong Aquino na pumalit sa kanya sa Malacanang.

Noong bago pa ang administrasyong Aquino, inanunsyo na nila ang tuloy-tuloy na tuwid na daan—kaya ang basa ng mga analyst ay napangakuan na si Roxas na siya ang susunod na pangulo.

Matapos ang 2013 polls, medyo luminaw na kung sino ang mga posibleng tumakbo sa 2016.

At posible umano na si Sen. Chiz Escudero ang gawing running mate ni Roxas.

Puwede kaya yun, kakayanin kaya ni Roxas si Chiz? Bakit?

Si Chiz kasi ay hayagang nag-edorso sa Noy-Bi o Noynoy-Binay noong 2010 polls. Inilaglag si Roxas.

Ang dalawa ang nanalo.

Kung ikaw si Roxas tatanggapin mo ba o kakayanin mo ba na makasama si Escudero na isa dahilan ng kanyang masakit na pagkatalo?

Pero magiging nakakagulat nga ba kung magkatotoo ang Roxas-Escudero? Alam n’yo naman sa politika ng Pilipinas, ordinaryong bagay ang baliktaran—ang magkakampi ay nagiging magkaaway at ang magkaaway ay nagiging magkakampi.

Noong 2013 polls, hindi pinatakbo ni Aquino si TESDA general manager Joel Villanueva dahil hindi ito umaangat sa mga survey.

Ibig sabihin, tinitingnan din ng Pangulo yung winnability ng kanyang ieendorso.

Paano kung hindi umangat ang rating ni Roxas hanggang bago ang paghahain ng mga certificate of candidacy? Ilalaglag kaya siya ni PNoy?

Ang isa pang tanong ay kung iboboto ba ng tao ang ieendorso ni PNoy? Malaking adbantahe kung ang ikaw ang dadalhin ng administrasyon, alam natin ‘yan pero hindi palaging ganito ang sitwasyon.

Mula nang matapos ang EDSA People Power noong1986, si dating Pangulong Cory lamang ang nakapagpanalo ng kanyang manok – si Fidel Ramos – pero di naman naipanalo ni Ramos ang bet niyang si Joe de Venecia.

Si Erap na natanggal naman sa pagkapangulo ay minanok si FPJ na nadaya naman. Si dating Pangulong Gloria Arroyo, na nakakulong ngayon, ay inendorso si dating Tarlac Rep. Gibo Teodoro, na nangulelat naman noong 2010.

Kaya marami ang nag-aabang, magagawa ba ni Aquino ang nagawa ng kanyang ina—ang magpanalo ng susunod na pangulo?

Text ng mga ka-tropang Bandera:

Si Chief inspector greg of R2 CARAGA REGION, chief inspector Arvin of CIDG,and inspector Joseph of PISOG, ay involved in illegal gambling. Sila po ang may hawak ng LAST2 AT SWERTRES d2 sa surigao del sur. Sana maimbistegan po ito, masamang halimbawa sa kapwa namin pulis. Salamat –……8334

Mga opisyales ng nfa! mga buwaya at makapal ang mukha!pwd bng pahiram ng inyong balat gagawin ko lang piston belt! wala kyong awa sa mahihirap,halos makuba ang likod makabili lang ng isang kilong bigas pra makakain,mgayon kaya pb makabili ng murang bigas ang isng nagbbsura lang! ano ginagawa nyo s pwesto??
Kaya daming krimen s pilipinas dahil s inyong mga buwaya s pwesto. –….1187

Read more...