Tuloy sa abroad | Bandera

Tuloy sa abroad

Joseph Greenfield - May 06, 2014 - 02:31 PM

Sulat mula kay Garfield  ng Leyte, Leyte Dear Sir Greenfield, Kahit mahirap lang kami ay napagtapos naman ako ng aking mga magulang sa kursong marine transportation.  Malaking karangalan ito para sa akin dahil kahit saan ako magpunta at mag-apply ay college graduate din naman ako. Pero, hanggang ngayon ay di pa sumasakay ng barko, kahit na inter-island lang.  Nakita ko na kahit domestic shipping ay palakasan din lalo na sa manning.  Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho.  Pero, hindi naman ako humihinto sa kahahanap ng bakante sa mga shipping at manning agencies.  Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag.  Baka tumanda ako nang di nakasasakay ng barko.  Ako ay ipinanganak noong Marso 26, 1991. Umaasa, Garfield ng Leyte, Leyte Solusyon/Analysis: Palmistry: Ayon sa guhit ng iyong palad, may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, pero hindi pa sa ngayon, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong buhay. Cartomancy: Jack of Diamonds, Nine of Diamonds, at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon 2014 may mabunga at mabiyayang pag-a-abroad kang mararanasan, ngunit ngayong taon, tulad ng nakalipas na mga karanasan, pais-istambay ka pa rin hanggang sa sumapit nga ang taon 2015, na siyang pinakamapalad mong panahon sa career.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending