PUMUTOK ang balitang sumuko na si Deniece Cornejo sa otoridad after a few days ng pagtatago after lumabas ang arrest warrant sa kanila nina Cedric Lee.
Hindi rin daw totoong sa Samar din siya nagtago tulad ng mga kasamahang sina Cedric at Zimmer Raz. Basta nasa pali-paligid lang yata si Deniece hanggang sa umapela na nga ang lolo niyang si Tito Rod Cornejo (dating GMA 7 executive) na sumuko na at harapin ang mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya.
“Kaibigan ko kasi si Rod Cornejo way, way back pa. Tinawagan niya ako and sabi nga niya susuko na si Deniece. Nakiusap lang siya sa akin na kung puwede ay samahan ko siya sa pagsuko ni Deniece and since kaibigan ko siya, sinamahan ko.
“Hanggang doon lang ang role ko sa pag-surrender ni Deniece – sinamahan ko lang si Rod na matagal ko nang kaibigan. She has her own lawyers who represent her in her cases, hindi po ako,” ani Atty. Ferdie Topacio nang maging special guest namin sa “Mismo” show namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM the other night.
Kasama ni Atty. Topacio na dumating sa radio booth ang super-controversial actress na si Claudine Barretto na siyang kliyente niya talaga. “Nililinaw ko lang sa lahat na hindi ako ang abogado ni Deniece.
Kung ako talaga, hindi ko itatanggi. Ang isang lawyer kasi, hindi dapat nagba-backout iyan once na umuo sa isang kliyente. Basta tinanggap mo ang offer to represent a client, hindi mo basta-basta binibitawan ang kaso.
“Ilang death threats na ba ang inabot ko for representing celebrated cases pero bumitaw ba ako? Hangga’t kuntento ang kliyente ko, hindi ako bumibitaw. Kaibigan ko lang si Rod talaga,” he adds.
Nabaling kay Claudine ang aming topic dahil nandoon nga si Clau sa studio namin for the first time in sooooo many years. Hindi natin siya nakita onscreen live for the longest time mula nang masuong siya sa masalimuot na buhay at controversies.
Balitang-balita kasing nagkaroon ng probable cause kay Raymart Santiago (estranged husband ni Claudine) sa kasong violation against women and children na isinampa ni Claudine kay Raymart.
“May gag order kasi kami kaya hindi ako puwedeng mag-comment on that. Basta ako, I am just here to protect our children. Isa rin iyan sa reasons kung bakit hindi pa muna ako makabalik sa showbiz dahil nakatutok ako sa safety ng mga anak ko.
Ang gaganda pa naman ng grades nila sa school kaya okay na muna akong ganito,” ani Claudine. Tinanong namin siya regarding the new issue na lumabas – yung pagkalat ng photocopies ng P1,050,000 check na idineposito ni Raymart sa isang bangko sa Katipunan noong November 15, 2007 na diumano’y bigay ni Dra. Vicki Belo sa aktor dahil meron diumano silang secret affair ng pamosong lady doctor.
“I heard Ninang Belo’s statement here sa radio show ninyo that’s why I tried calling her sa dalawang numbers niya pero hindi siya sumasagot.
Then meron akong nakitang missed call from her sa phone ko kaya lang busy naman ako that time kaya hindi ko siguro nasagot. Yes, I wanted to talk to Ninang Belo about that – kasi nga, me lumabas ngang ganoong isyu.
“Pero feeling ko ang totoong may kinalaman dito ay ang staff niya at ibang doctors, but not Ninang Belo siguro. Kaya I wanted to talk to her pero wala pang chance,” reaksiyon ni Claudine sa isyu ng mahiwagang tseke.
Sa totoo lang, tinanong ko sila on the veracity of that check kasi nga wala namang nakasaad sa idinepositong check ni Raymart sa said bank that year na galing kay Dra. Belo yung tseke.
Di ba dapat nakalagay sa top left portion ng check ang pangalan ni Dra. Belo if indeed galing sa kaniya ang check? Kaya sabi ko kina Claudine and Atty. Topacio, baka sa iba galing ito.
“Lahat naman ng mga ito ay subject for confirmation. Hindi naman namin sinasabing regalo ni Dra. Belo iyon kay Raymart. We yet have to determine kung galing talaga sa kaniya ang check, hindi namin puwedeng i-confirm dahil pag-aaralan pa namin ito and all,” ani Atty. Topacio sa amin na sinang-ayunan namin.
Natawa si Claudine nang manawagan ako kina Dra. Belo and Raymart na bukas ‘kako ang programa namin para sa kanilang side of the story – kaya lang na-realize kong baka hindi nga puwedeng pumunta nang live si Raymart sa DZMM dahil taga-GMA 7 siya.
Nagkatawanan kami tuloy sa show – sobrang tawa ni Claudine sa sinabi ko.Natauhan kasi ako nang sabihin kong puwede silang pumunta sa DZMM para sa kanilang side gayong malabo naman palang mangyari iyon, di ba? Ha-hahaha! O di statement na lang nila para mai-air na lang namin.
In fairness kay Claudine, she looks very beautiful though she gained a few pounds. We suggested that she sheds off a few pounds kung gusto niyang makabalik nang bonggang-bongga sa showbiz.
Sayang kasi ang husay niya sa pag-arte kung iiwanan na lang niya ito nang tuluyan. In fairness to her, she was one of the original teleserye queens during her time, di ba?
( Photo credit to claudine raymart official fanpage )