Xian hiningi ang permiso ni Kim bago maging ‘single’


HUMINGI pala ng permiso si Xian Lim kay Kim Chiu bago siya nagsalita tungkol sa kasalukuyang status ng kanyang lovelife.
Kung matatandaan, naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ni Xian na he’s “single but ready to mingle”.

Pero mismong si Kim na ang nagbuking na ang nasabing statement ng dati niyang ka-loveteam, ay bahagi lamang ng trabaho nito. Chika ni Kim sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, unang ipinaalam sa kanya ng hunk actor ang gagawin niyang pag-amin.

Ito’y sa kabila nga ng paniniwala ng ilang fans nila na sila’y nagkakamabutihan na at ayaw lang umamin sa publiko. Pero ikinagulat nga ng kanilang supporters ang sinabi ni Xian na single siya at handa nang makakilala ng ibang babae na maaari niyang maging dyowa.

Pahayag ni Kim sa nasabing interview, “Tumawag siya actually before siya sumalang. Sabi niya ‘May pinapasabi sa aking ganito ah.’ Parang ganu’n. So ako, okay sige mag-work ka diyan.” Kasabay ng pagkumpirma na hiningi nga ni Xian ang kanyang permiso bago magsalita tungkol sa kanyang “status”.

Sa isang interview naman kay Xian, tinanong ang binata kung posible pa bang magkaroon sila ng relasyon ng Teleserye Princess ng ABS-CBN, anito, “We are just going to be thankful sa lahat ng sumusuporta sa amin.

Maraming, maraming salamat. What we always say is we keep whatever we have private and in God’s time, there’s always a proper timing for everything.”

Kamakailan, kinumpirma ni Xian na magbabalik-tambalan sila ni Kim sa susunod na pelikula ng Star Cinema kung saan makakasaka rin nila ang Comedy Queen na  Ai Ai delas Alas.

Samantala, speaking of Kim, nakakaloka ang mga nababasa naming reactions ng mga viewers sa itinatakbo ng kuwento ng Primetime Bida serye na Ikaw Lamang, ha!

Grabe! Galit na galit talaga sila sa mga kontrabida sa buhay nina Samuel (Coco Martin) at Isabel (Kim), lalo na kina Franco (Jake Cuenca) at Gonzalo (John Estrada), isama pa ang kasumpa-sumpang karakter ni Ronaldo Valdez – matapos nga nilang ipakidnap at ipapatay si Samuel.

In fairness, muling ipinakita nina Coco at Kim ang galing nila sa pagganap, as in talagang naiyak ang manonood sa mga eksenang pinaghiwalay na sila – lalo na ang pagpapakasal ni Kim kay Jake at ang paglilibing ng buhay kay Coco.

Kaya naman ang “The Wedding” episode noong Biyernes ng Ikaw Lamang ay nanguna na naman sa top 10 most watched TV show sa buong bansa, base sa survey ng Kantar Media.

Samantala, tiyak na lalong mahu-hook ang TV viewers sa mga umiinit na tagpo sa Ikaw Lamang matapos mapilitang magpakasal si Isabelle kay Franco dahil sa kagustuhan ng kanyang ama.

Paano haharapin ni Isabelle ang bagong yugto ng kanyang buhay lalo na kapag nalaman niya ang sinapit ng iniibig na si Samuel?

Isusuko na ba ni Samuel ang pag-iibigan nila ni Isabelle ngayong asawa na nito si Franco? Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa master seryeng Ikaw Lamang, after Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to xian lim official fanpage )

Read more...