Anne pinagbigyan ang request ng fans, bibirit ng ‘Let It Go’ sa concert; marami pang pasabog sa Dyesebel


SUPER excited na si Anne Curtis sa next major concert niya sa Araneta Coliseum sa darating na May 16. At sa sobrang excitement nga niya, bigla niyang nai-post sa kanyang Instagram account ang isa sa mga gagawin niyang production number – yes, sa lahat ng followers ng TV host-actress na nag-request, kakantahin niya ang Disney hit na “Let It Go” from the movie “Frozen”.

Sa instagram photo ni Anne, ipinasilip niya ang ilan sa kanyang repertoire, “Last na pasilip sa concert set list ko for now. I caaaaaaan’t waaaaaaait! #TheForbiddenConcert #Round2ANNEkapal!”

Ang “Forbidden Concert: Round 2 Annekapal” ni Anne ay ang follow-up sa successful concert niya noong 2012 entitled “Annebisyosa” na nakaroon pa nga ng world tour.

At bukod nga sa “Let It Go” marami pa raw pasabog na mapapanood ang fans ng aktres na ikasa-shock daw ng manonood.
Samantala, sa lahat ng mga sumusubaybay sa Primetime Bida series na Dyesebel ni Anne, tiyak na mas maloloka kayo sa mga susunod na eksena sa programa ngayong unti-unti nang naglalabasan ang mga lihim ng kahapon.

At siyempre, abangan ang magiging buhay ni Dyesebel kapag nasa mundo na siya ng mga tao, siyempre, hindi magiging madali para sa kanya ang lahat, lalo na kapag nagkrus na ang landas nila ni Betty (Andi Eigenmann) na magpapahirap sa kanya nang bonggang-bongga dahil sa lalaking mahuhumaling sa kanya, si Fredo (Gerald Anderson).

Exicted na rin kami kung ano ang magiging trabaho ni Dyesebel sa lupa, kasi naaalala namin, sa pelikula ni Alice Dixson noong “Dyesebel”, model-model ang drama niya.

Hindi kaya ganito rin ang maging emote ni Anne dahil perfect nga ito sa kanyang personality? Abangan na lang natin. Mapapanood pa rin ang Dyesebel pagkatapos ng TV Patrol.

Of course, ka-join pa rin dito sina Dawn Zulueta, Eula Valdez, Ai Ai delas Alas, Sam Milby at marami pang iba.

( Photo credit to anne curtis official fanpage )

Read more...