UMUSAD sa ikalawang round ng NBA Playoffs ang Los Angeles Clippers, Indiana Pacers at Oklahoma City matapos magsipanalo sa magkahiwalay na do-or-die Game Seven kahapon.
Binigo ng Clippers ang California rival nitong Golden State Warriors, 126-121. Tinalo naman ng Pacers ang eighth-seeded Atlanta Hawks, 92-80. At pinataob ng Thunder ang Memphis Grizzlies, 120-109.
Ang Clippers ay pinangunahan nina Blake Griffin na may 24 puntos at Chris Paul na may 22 puntos at 14 assists. Makakasagupa ang Clippers ang Thunder sa second round ng Western Conference Playoffs.
( Photo credit to inquirer news service )
MOST READ
LATEST STORIES