Wowie gagawin ang lahat para mapalaki nang maayos ang anak


Nailibing na ang asawa ni Wowie de Guzman na si Sheryl Ann Reyes nitong Sabado, ito’y matapos ngang mabinyagan ang kanilang anak.

Sa Lubao Memorial Park sa Pampanga inilibing ang mga labi ni Sheryl. Bukod kay Wowie at sa kanilang mga pamilya, dumalo rin sa libing  sina Sen. Sonny Angara at  Gladys Reyes.

Nagpasalamat si Wowie sa lahat ng mga nakiramay at nagdasal para sa kanyang asawa. Inamin ni Wowie na napakasakit pa rin para sa kanya ang mawalan agad ng asawa, pero kakayanin daw niya ang pagsubok na ito, lalo na ang pagpapalaki sa anak nilang si Alex Rafaelle na ipinanganak noong March 27, isang buwan bago mamaalam si Sheryl.

Sa isang TV interview, hindi napigilan ni Wowie ang maging emosyonal, talagang napaiyak na siya habang nagkukuwento kung paano niya dinala sa ospital ang asawa at kung paano siya nagmakaawa na iligtas si Sheryl.

“Sobrang bilis talaga, hindi namin alam nangyari. Natutulog lang kami tapos tumayo lang siya, pumunta sa C.R. tapos bumalik, humiga. Tapos para siyang nagchoke, tapos ‘yun na,” ani Wowie.

Namatay si Sheryl matapos uminom ng pain reliever noong gabi ng April 26, bago ito nakararanas na ng pananakit ng katawan ang misis ni Wowie sanhi ng erratic blood pressure.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...