Meg Imperial natotomboy kay Angel: Girl crush ko siya noon pa!


Natotomboy nga ba itong si Meg Imperial kay Angel Locsin? Ha-hahaha! Kasi nga, sinabi raw nitong si Meg na matagal na niyang “crush” si Angel at malaki raw talaga ang paghanga niya sa ganda at galing nito sa pag-arte.

Sana nga raw ay mabigyan siya ng chance na magkasama sa isang proyekto dahil isa raw ito sa mga wish niya sa kanyang showbiz career.

Sabi nga raw ni Meg, nasa GMA pa lang daw si Angel ay sinusubaybayan na niya ito, hanggang sa makilala na nga bilang isang mahusay na artista. “Bata pa lang ako, girl crush ko na talaga siya, fan na fan niya ako.

Gusto ko siyang makatrabaho. I think marami akong matutunan sa kanya,” ang sey pa raw ni Meg.

( bandera.ph file photo )

Read more...