Talentadong Pinoy babalik na sa TV5, pagkabwisit ni Ryan noon scripted daw

KUMPIRMADO na ang pagbabalik sa TV5  ng talent search show na Talentadong Pinoy. Buo na raw muli ang production staff ng show at plinaplantsa na ang mahahalagang detalye nito especially ang malawakang auditon na gagawin nila sa loob at labas ng bansa.

Ayon sa aming source, ang mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo pa rin ang magho-host ng Talentadong PInoy sa pagbabalik nito sa ere.

Syempre naman, Talentadong Pinoy will not be the same again kung hindi si Ryan ang host, ‘noh? Although, as of now, may program si Ryan sa GMA 7, ang Picture Picture, pero ang tsika ng aming source, hindi naman daw exclusive ang contract ni Ryan sa Siyete kaya pwede talaga siyang gumawa ng show sa ibang network.

Definitely, tatapusin muna ni Ryan ang hino-host niya na game show bago bumalik ulit sa Kapatid network. Tinanong naman namin ang aming source kung bakit pa kasi nila inalis noon ang Talentadong Pinoy.

Sagot niya, “Pahinga lang para ma-miss.  Para fresh ulit.” Alam din daw ni Ryan na pansamantala lang mawawala ang show at ibabalik din ng TV5.

This maybe the answer kung bakit hindi pumirma  ng exclusive contract si Ryan with GMA.  ‘Yun naman ay kung inalok siya ng Kapuso network ng exclusive contract or talagang per show lang ang pinapirma nila kay Ryan.

Kaya lang bakit may tsika noon na super lungkot at sumama pa raw ang loob ni Ryan sa management ng TV5 sa pagkawala ng TP kung knows naman pala niya na ibabalik ulit sa ere ang naturang talent show? Scripted din ba ang acting ni Ryan? Ha-hahaha!

( bandera.ph file photo )

Read more...