Kris ginamit ang powers, Derek pinayagang makapasok uli sa ABS-CBN


Nag-story conference na sina Derek Ramsay at Queen of All Media na si Kris Aquino para sa kauna-unahan nilang pelikula under Regal Films directed by Erik Matti.

Si Kris ang nag-post sa Instagram account niya ng picture niya with Derek, Mother Lily and Roselle Monteverde, DonDon Monteverde (Direk Erik’s manager), Jojie Dingcong (Derek’s manager), Manny Valera and Boy Abunda.

Sey ni Kris sa kanyang Instagram, “Here’s hoping the movie project (an adult relationship drama about going with the flow of love after mutual failed relationships) w/ @ramsayderek11 to be directed by Erik Matti pushes through.”

May kadugtong sa post na tight daw ang shooting schedule niya sa mga susunod na araw. But what struck us the most ay ang sinulat niya tungkol sa approval daw ng boss niya na si Cory Vidanes, ang TV executive ng ABS-CBN.

Dalawa ang dating sa amin ng “approval” na sinulat ni Kris. One, approval ba ‘to na makapag-adjust ng schedule ni Kris for her morning show para ma-accommodate ang shooting sched niya for the movie? Or approval kaya na makapag-guest si Kris at mabanggit ulit ang name ni Derek sa ABS-CBN shows?

Hindi nga ba’t may balita kasi na galit na galit ang ilang executives ng Kapamilya network sa paglipat nito sa TV5 noon. At dahil diyan, banned na raw ang aktor sa ABS-CBN.

Not even his name is allowed na ma-mention in any of their shows. Na pinatotohanan mismo ni Anne Curtis during the promo ng last movie nila ni Derek na “A Secret Affair,” ‘di ba?

E, kayang-kaya naman daw lambingin ni Kris ang mga boss ng ABS-CBN. At gaya ng sabi nila, whatever Kris wants, she will definitely get. Pwedeeee.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Read more...