Pauleen Luna kakaibang ‘LIGAYA’ ang naibibigay kay Bossing Vic


Maligayang-maligaya si Pauleen Luna dahil sobrang na-appreciate ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto ang inihanda nilang surprise birthday party para sa TV host-comedian.

Noong April 28 nagdiwang ng ika-60 kaarawan si Bossing, pero ang birthday party na ibinigay sa kanya ni Pauleen at ng kanyang mga anak na nakipagtulungan din para isorpresa siya ay parang children’s party, dahil bukod sa may handang popcorn, sago’t gulaman at iba pang pambatang handa ay meron din daw inimbitang magician.

Dito sa party na ito nakita na tanggap na rin ng mga anak ni Vic si Pauleen bilang karelasyon ng kanilang ama, lalo na si Danica Sotto-Pingris na kakuntsaba nga ni Poleng sa nasabing suprise party. Bukod dito, masaya rin daw si Bossing dahil nakasama niya muli ang kanyang mga kapamilya at kaibigan na matagal na rin niyang hindi nakakasama nang matagalan.

Sa Instagram account ni Poleng nai-post niya ang mensaheng ito pagkatapos na pagkatapos ng party ni Bossing, “Today, I saw happiness in Vic’s eyes.

The kind of happiness that no one can ever buy. He’s truly blessed man, in all ways. I am happy to have seen this with my own eyes. And also, to be a part of his life. God is really the best! With Him, NOTHING IS IMPOSSIBLE. I love you, babe. Happy, happy birthday!”

( bandera.ph file photo )

Read more...