Raymart naging dyowa ni Vicki Belo, niregaluhan pa raw ng mahigit P1-M


NU’NG isang araw ay meron akong natanggap na photocopies ng check deposit ni Raymart Santiago sa isang bangko sa Q.C. amounting to P1,050,000 at ito’y galing diumano sa pamosong dermatologist cum socialite na si Dra. Vicki Belo.

Ito’y dated November 15, 2007 – meaning, matagal na ito at ngayon lang nag-surface  dahil nga sa mga kasong kinasasangkutan nina Raymart at Claudine Barretto, isa-isang naglalabasan ang mga alas nila.

Isa raw ito sa pinagmulan ng kanilang pagtatalo noon kasi nga duda si Claudine kung bakit binigyan diumano ni Dra. Belo ang kaniyang asawa ng ganoon kalaking halaga gayong hindi naman daw ito endorser ng Belo Medical Group.

Hindi raw maalis na magselos si Claudine dahil a lot of her friends daw told her na may affair si Raymart  with  Belo. Marami kaming tanong sa nagpadala sa amin ng e-mail na ito.

Baka ‘kako merong ibinenta si Raymart kay Dra. Belo na item na nagkakahalaga ng ganoon kalaki. Anang kausap namin, naitanong na nila ito kay Claudine before and wala raw.

Siyempre, we played devil’s advocate again – sabi namin, just for the sake of argument, nagkarelasyon nga sina Dra. Belo and Raymart at niregaluhan nga niya ang aktor ng dahtung, bakit hindi saradong isang milyon lang?

Bakit  may butal na P50,000? “Marunong ang mga iyan. Magaling sa reverse psychology. Kaya nila siguro nilagyan ng butal para hindi pagdudahan.

Kasi, pag sarado ang amount sa round off ay mahahalata sila. Alam niyo naman si Dra. Belo, she has been linked to a few good men in showbiz and balitang she would really splurge money to get what she wants.

“Kita niyo naman kung gaano ka-spoiled sa kaniya ang boyfriend niyang si Hayden Kho. Matagal nang isyu between Claudine and Raymart iyan, hindi lang pumutok dahil Raymart has been so mum about it.

Malihim ang lalaki,” sabi ng isang close friend ni Claudine. Siyempre, hindi kami pumayag na hindi makunan ng side si Dra. Vicki Belo. I tried calling her the other night before kami nag-board sa “Mismo” program namin sa DZMM but to no avail.

Pero habang nagsisimula na kami ni Papa Ahwel sa show, I received a text message from Dra. Belo and here’s what she has to say: “Jobert, I don’t think I ever issued Raymart a check.

Do you have the bank and check number? The last time I spoke to Claudine she claimed that people are telling him that I had an affair with Raymart. So maybe that’s part of that statement.

But as you know I’m actually their ninang in their wedding,” ani  Dra. Belo. “Raymart and I have never ever had an affair. Before their separation I only saw Raymart when he would come to the clinic together with Claudine.

Since their separation I’ve only seen Raymart twice both times at his restaurant Red Garlic because he makes a wonderful paella”, dagdag pa nito.

Okay na sana ang paliwanag ni Dra. Belo except for the word “paella” na siyang binabalikan daw niya sa resto ni Raymart. Natawa si Papa Ahwel nang basahin ko iyon on-air – kasi nga may “elya” na tunog.

Ha-hahaha! Nananawagan din kami kay kaibigang Raymart for his side naman of the story. Kasi obviously ay galing sa kampo ni Claudine ang e-mail na iyon kaya sana makuhanan din natin siya ng side.

( bandera.ph file photo )

Read more...