‘Legal Wife’ ni Angel naging mainit na isyu sa New York


Talagang pinag-uusapan ang teleserye  ni Angel Locsin. Hindi lang ang pagti-trend nito ang malaking success ng soap opera kundi maging ang pagkaka-feature nito sa isang international website.

Na-feature kasi ang teleserye nina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales sa isang New York-based website, ang www.kdramastars.com. The title of the article is “Angel Locsin Latest News: ‘The Legal Wife’ Star Breaks Down Over Cheating; Draws Strong Rating For The Prime Time Show”.

Sa mga contemporary nilang soap ay tila ang teleserye lang ni Angel ang na-feature sa isang international website. Naku, baka lalong ma-insecure ang kalaban niyang prime star, hindi kaya?

Meanwhile, “legal wife” na nga ni Jericho ang TV host-model na si Kim Jones after exchanging vows last Thursday sa isang resort sa Boracay.

Ginanap ang wedding sa Shangri-La Boracay Resort which was attended by their family members and close friends from the business, like Iya Villania, Paolo and Gabriel Valenciano, Donita Rose and Piolo Pascual. Ilan sa mga principal sponsors ng bagong kasal ay sina Coney Reyes, Gary Valenciano, Star Magic head Johnny Manahan and Lauren Dyogi.

We learned na hindi na muna magha-honeymoon sina Echo at Kim dahil kailangang tapusin muna ng aktor ang commitment niya sa The Legal Wife kaya sure kaming bitin na bitin ang bagong kasal.

( Photo credit to angel locsin official fanpage )

Read more...