Para sa may kaarawan ngayon: Magdudulot sa iyo ng magandang kapalaran ang papalapit na pagbibilog ng buwan. Dagdag na salapi, karangalan at bagong romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Blue at pink ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19) – Laging tandaan, ang pagtitipid at pag-iipon ang pinaka-mabisang paraan upang makaiwas sa kahirapan. Sa pag-ibig, huwag patangay sa luho ng minamahal, turuan siyang magsinop upang mas mabilis kayong umunlad. Mapalad ang 3, 15, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Om.” Lilac at red ang buenas. Taurus – (April 20-May 20) – Pagkaing malamig at may yelo ang magpapasigla sa araw na ito. Sa pag-ibig, yayain sa halo-halo store ang kasuyo. Sa pinansiyal, tulad ng pagkasabik sa tubig na malamig, ganoon din ang dapat na paghahangad na yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra, “Krishnayana-Gayatri-Om.” Violet at beige ang buenas. Gemini – (May 21-June 21) – Panatiliin ang simpleng buhay. Sa pinansiyal, tigilan na ang pag-iisip at pagbili ng kung anu-anong bagay. Kusang darating iyan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang lugar na tahimik at doon kayo maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas. Cancer – (June 22- July 22) – Upang hindi mabigo, hindi puso ang dapat masunod kundi isip. Pag-isipang mabuti ang susuunging transaksyon upang hindi malugi. Sa pag-ibig, hindi dapat bumigay sa kasuyo, kailangang matututo kang tumanggi. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel”. Yellow at white ang buenas. Leo – (July 23 – August 22) – Hindi dapat maghintay ng anumang kapalit sa mga naitulong sa kapwa. Huwag tuos nang tuos sa mga kabutihang nagawa. Sa pag-ibig, nag-iinit at nanghuhulas na ang kasuyo, yayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 39 at 42. Mahgiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Orange at black ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22) – Huwag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masandalan, ang kasuyong Capricorn pa rin ang maaasahan! Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Green at white ang buenas. Libra – (September 23-October 23) – Ngayong tag-araw, daanin sa lambing ang kasuyo upang ilibre ka ng halo-halo. Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arantayanan-Kebanam.” Blue at pink ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21) – Anomang pagsubok ang dumating hindi dapat sumuko, darating ang panahong uunlad at yayaman ka rin. Sa pag-ibig, hindi lang siya ang nilalang sa mundo, makakatagpo ka pa ng higit sa kanya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om-Nameh.” White at blue ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21) – Malaki ang maitutulong ng kasuyong Aries sa kasalukuyang problema! Bakit hindi mo siya lambingin at pagkatapos ay utangan? Hindi ka niya kayang tanggihan! Mapalad 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Yellow at pink ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19) – Huwag tutulog-tulog. Magmadali bago maka-alpas angsuwerte! Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang kaibigang Taurus. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, romansahain mo upang makaraos. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at red ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa bawat problema ito ang paraan ng tadhana upang matuklasan mo ang teknik upang yumaman at lumigaya. Sa pag-ibig, sa bawat kasawian ay may kaligayang kasunod! Mapalad ang 3, 9, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Hani-Om.” Lilac at yellow ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20) – Huwag mawawalan ng pag-asa. Paikot-ikot lang ang kapalarapang pagkatapos, lalo pang sumarap ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.