Lifestyle enhancement

KUNG kagagaling lamang sa anumang karamdaman, o kaya naman ay kagagaling lang din sa detoxification (na kamakailan lang ay tinalakay na rin natin), ang susunod na pamamaraan para sa mas maayos at malusog na pamumuhay ay ang pagsunod sa maliliit na hakbang tungkol sa lifestyle enhancement.

Unang-una sa listahan ay ang pagpapanatili ng katawan na hydrated sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa panahon ngayon na masyadong mainit at maalinsangan.

Kailangan ng katawan ang fluids. Kapag nakakaramdam ng mabigat o panghihina, unahin mo nang uminom ng maligamgam o mainit na tubig.

Iwasan na rin ang mga unhealthy beverages, especially yung mga punung-puno ng asukal, at siyempre alcohol.

Pangalawang paraan para sa isang mahusay na lifestyle ay ang “activity”.

Kaya nga lagi tayong may joke na “galaw-galaw at baka ma-stroke”, na ang ibig sabihin kailangan ay active ang ating pamumuhay.

Ang activity o ehersisyo, maliit man o malaki, madalas man o bihira, ay kailangang-kailangan ng ating katawan.

Pero ang payo ko, gawin ito ng regular o madalas. Kailangan talaga ang paggalaw-galaw ng ating katawan para pagpawisan at lumabas ang mga toxins sa ating katawan. Sa sandaling pagpawisan, asahan na gagaan ang iyong pakiramdam.

Kapag bumibigat naman ang pakiramdam, pagpapahinga muna ang kailangan. Dapat ang ehersisyo ay nakatutok sa muscle stretching, joint action, muscle strengthening, at cardiovascular tone. Ang breathing exercise ay mahalaga rin.

Binanggit natin ang activity at ehersisyo dito upang mabigyan-pansin natin ang kahalagahan ng “hydration” na kailangang pahalagahang mabuti lalo na kung punung-puno tayo ng aksyon.

Alalahanin na kapag hindi tayo gumagalaw, malamang na may sakit tayo, kaya isipin mo na kapag hindi ka nag-exercise, sintomas ito na ikaw ay may karamdaman.

Maari mong sabihin na tinatamad ka lang gumalaw (batugan?), o kaya naman walang panahon para mag-exercie, o marahil ay nasa isipan mo na sa gym lang ang exercise at magastos ito, o kaya naman ay sa paniniwala mo lamang na walang kwenta ang ehersisyo.

Lahat ng pananaw na ito ay mali at alibi lamang. Patunayan mo sa iyong sarili na wala kang sakit sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

Wala kang ikakatwiran kung uumpisahan mo ang exercise sa paggising pa lamang. Kahit 10 minuto lang ang gamitin mo sa iyong panahon para naman hindi mo masabi na wala kang panahon. Alalahanin mo na ang panahon ay tuloy-tuloy na umiikot subali’t maari kang mag-tabi ng oras para gugulin sa exercise.

May tanong ka ba o komento? I-text, ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.

Read more...