Ayon kay Rayver, hindi naman daw kasi seryoso ‘yung pagseselos niya kay Derek, may isang love scene lang daw talaga sa pelikula nina Cristine at Derek sa “No Other Woman” na naapektuhan siya.
Pero other than that, friends naman daw sila ni Derek.
At mismong si Cristine naman ang nagsabi na walang dapat ipagselos si Rayver kay Derek dahil faithful daw siyang girlfriend.
Siniguro ng sexy actress na si Rayver lang ang lalaki sa kanyang buhay.
Samantala, magkasama pa rin sina Cristine at Rayver sa teleseryeng Reputasyon ng ABS-CBN. Mapatunay na buhay man o maging sa kanilang serye, hindi na mapaghiwalay ang dalawa.
Pero kung sa tunay na buhay nga ay happy sila, dumaraan naman sa matinding pagsubok ang kanilang mga karakter sa Kapamilya Gold drama series.
Matapos magpakasal, desidido na si Henry (Rayver) na aminin ang nagawang krimen at harapin ang anumang kaparusahan para dito.
Matanggap kaya ni Catherine (Aiko Melendez) ang desisyon ng kapatid o gagawa muli ito ng paraan upang iligtas ito?
Samantala, ngayong alam na ni Agnes (Cristine) na si Catherine ang tunay na may sala sa pagkamatay ni Gov. Villamayor (Emilio Garcia), paiiralin kaya niya ang galit upang muling makaganti o hihilumin na ng pagmamahalan nila ni Rayver ang lahat ng sama ng loob sa kanyang puso?
Tutukan ang mga mas kaabang-abang na tagpo sa Reputasyon, bago ang Maria la del Barrio sa ABS-CBN.
Malapit na rin itong magtapos kaya huwag na huwag na raw kayong bibitiw sa pagtutok!