Mukhang mauunahan pa ako ni Jasmine Curtis kay Manolo – ang guwapong chinitong housemate ng PBB All In. Nu’ng una kong makitang pumasok kasi sa Bahay Ni Kuya si Manolo, laglag-pantalon talaga ako.
Ha-hahaha! Malisyosong bading aketch, di va? Kasi nga, ang guwapo-guwapo niya, pag tumawa siya nawawala ang mga mata. Cute na cute ako sa kaniya talaga – I always say that on radio everytime na nababanggit ang PBB All In.
I like the line-up ng housemates sa PBB All In. Malakas ang dating ng mga ito sa akin. Magandang batch ika nga. And I heard na iba-ibang characters talaga ang mga kasali kaya that makes the show very exciting.
Sabihin na nilang scripted ang pagpili sa kanila pero ang mas mahalaga ay ang mapanood how they are sa loob. Tsaka okay na rin yung ganito, magaganda ang mga mukha at hindi mukhang mahirap katulad ko.
Kumbaga, aspirational ang dating, ‘no! And hindi ka-cheapan kung sumikat bilang mga artista ang kahit sino sa kanila one day. May potential lahat. Basta ako, I am truly rooting for this Manolo.
One day ay makakamayan ko rin iyan. Ha-hahaha! It’s too early to predict kung sino sa kanila ang mananalo. Basta ako, magpapa-reserve na ako ng load para iboto si Manolo pag kinakailangan.
Ila-lobby ko ito sa friends ko. Lobby? Sounds familiar? Parang PMPC Star Awards for Movies ba ito? Joke! Joke! Joke!