GRABE ang init nu’ng dumating si US President Barack Obama sa Pilipinas last Monday. Init ng panahon at init nang pagsalubong sa kanya hanggang sa pag-alis niya ng bansa.
At least, na-expereince ni Obama ang init ng Pilipinas na never niya sigurong naranasan in his entrie life. Right after mag-toast ni Obama at President Noynoy Aquino, dinig na dinig namin ang malakas na dagundong sa langit bilang senyales nang pagbagsak ng malakas na ulan sa Maynila.
Pero sa ‘di kalayuan, nagdusa pala ang ilan nating mga kababayan dulot ng malakas na ulan. So, habang waiting galore sa pag-usad ang mga sasakyan sa España, nag-e-enjoy naman sa kanilang dinner sa Malacañang ang local and foreign dignitaries.
Kabilang din sa naturang state dinner ang Presidential sisters headed by the very famous Kris Aquino, Viel Dee, Pinky Abelleda at Ballsy Cruz.
Agad namang nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng kaganapan sa state dinner. Nandoon siyempre sa ipinost niyang pictures ang kaibigang si Boy Abunda, ang mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde at Charo Santos.
But the intriguing part there is nu’ng pinost ni Kris na niyaya siya ng isa sa performers that night na si Apl.de.Ap ng post dinner drink. Tinanggihan niya raw ang paanyaya ni Apl dahil maaga ang taping niya for Kris TV the next day.
Kung wala sana, like din ni Kris to go out with Apl. So, malinaw na niyaya ni Apl ng date si Kris, huh! Alam kaya ito ni Q.C. Mayor Herbert Bautista? Kunsabagay, okey na rin naman kung makipag-date si Kris kay Apl. Aba, internationally famous, may pera at higit sa lahat binata.
Sayang nga lang at never nagkaroon ng chance na magkita sina Apl at KC Concepcion. Last time we interviewed him, siney niya talaga na crush niya si KC and wish niya na kahit magkasalubong lang sila ng dalaga sa corridor ng ABS-CBN.
O, well, since ‘di nga sila magtagpo ni KC and Apl had the chance with Kris sa state dinner, bakit hindi nga naman samantalahin ang chance na yayain niya ng date ang Presidential sister?
Wrong timing nga lang dahil may earlier appointment si Kris. Pero teka, wrong timing nga ba or ayaw talalaga niya dahil may Mayor Bistek na siya ngayon?
Ano na lang ang sasabihin ng madlang pipol na nakikipag-date pa rin siya sa ibang lalaki kahit may boyfriend na?
( bandera.ph file photo )