Sweet kina Julia at Enrique: Walang arte ang mga bagets!


Tuwang-tuwang ibinalita ni John Lapus na nakapasok na sa top 5 ng mga nangungunang programang sa telebisyon ngayon ang teleserye nilang Mirabella na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil.

Bukod pa ito sa pag-trending ng Mirabella gabi-gabi sa mga social media. Kaya naman mas lalo raw ginaganahan sina Sweet sa pagtatrabaho.

Puring-puri rin ng gay comedian sina Julia at Enrique dahil sa pagiging professional sa trabaho. Wala raw kaarte-arte at walang reklamo ang mga bagets kahit na halos buong araw sila nagte-taping.

Base sa datos ng Kantar/Media TNS nitong nakaraang Biyernes, nakakuha ang Mirabella ng 19.2% habang ang kalaban nitong My Love From The Star ay nakapagtala ng 12.9%.

At ngayong malalaman na kung paano magbabago ang itsura ni Mira (Julia) sa paglabas ng mahiwagang karakter ni Bella, siguradong mas tataas pa ang rating nito.

Samantala, nanguna naman sa listahan ng top 10 TV programs sa bansa noong Biyernes ang Ikaw Lamang na nakakuha ng 27.4 percent, pumangalawa ang Dyesebel na may 27.2, pangatlo ang The Legal Wife, na may 26.2 at ikaapat ang TV Patrol na nakakuha ng 24.5 percent.

( Photo credit to johnlapusfanpage )

Read more...