Angel planado na ang 34th B-day ni Luis; Isasali sa gimik sina Vilma at Edu


NAIYAK pala si Luis Manzano sa surprise birthday party kamakailan na kinarir ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin at ng ilan pang taong malapit sa TV host-actor.

In fairness, kahit naman sino ay talagang mata-touch sa ginawa ni Angel, imagine, iregalo mo ba sa dyowa mo for his birthday ang bandang Side A para magbigay ng live performance?! Kaloka, di ba?

Mismong noong 33rd birthday ni Luis (April 21) nag-perform ang Side A at ito’y naganap sa bahay ng aktor.  Chika ni Angel sa isang interview, “Nakahingi ako ng break sa The Legal Wife kasi Monday naman.

Sabi ko, first time lang naman ako hihingi ng break, kunin ko na ‘to. “Nagplano kasi ako ng surprise kay Luis that time. So, okay naman, successful naman. Naiyak siya. Happy ako. Sulit lahat ng hirap.

“Sayang lang wala sila Tita (Vilma Santos) ‘tsaka sina Tito (Edu Manzano) kasi nasa America sila ‘tsaka nasa Turkey.
“Maybe next year, baka kami ang magplano kung ano’ng gagawin,” pahayag pa ng leading lady ni Jericho Rosales sa seryeng The Legal Wife ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Luis noong gabi ring iyon, talagang ibinandera niya sa buong mundo ang kaligayahan niya sa regalo ng girlfriend, sobrang na-appreciate niya raw ang effort ni Angel.

Sey ni Luis sa caption ng isang picture ng live performance ng Side A, “That moment that your gf sets up a mini Side A concert in your garden!!! Wow, you are unbelievable @therealangellocsin, i love you.”

Noong 29th birthday naman ni Angel noong April 23, personal na binisita ni Luis ang aktres sa taping ng The Legal Wife. Sey ni Angel, para nga raw siyang luka-luka dahil iyak siya nang iyak sa mga eksena niya sa nasabing soap opera pero ang saya-saya niya dahil sa pagbisita ng kanyang boyfriend.

Sa Instagram post ni Luis, ipinost niya ang picture nila ni Angel habang hinalikan niya ito sa pisngi, nilagyan niya ito ng caption na, “Happy happy birthday to my unbelievable young lady, my girlfriend, my Kiti@therealangellocsin 🙂 i became a fan of destiny when you came back into my life 🙂 happy birthday love ko!!!”

( Photo credit to angellocsinfanpage )

Read more...