Pulis ayaw magbigay ng sustento sa anak

MADAM:
Ako po si Jhoana Lumahan Paredes, 29 taong gulang, dalaga at residente ng Bancao- Bancao, Puerto Prinsesa.
Ako po sumulat upang idulog ang reklamo kay PO1 Joebert Sainga Gonzaga, isang kawani ng PNP at ang ama ng aking anak na si Jeverlyn Paredes Gonzaga.

Sa pagkakaalam ko sa kasalukuyan, siya po ay naka-assign sa PNP Imus, Cavite.

Noong Marso 19, 2008 ay ipinanganak ko po ang aming anak at kahit hindi po kami kasal ay kanya pong in-acknowledge ang aming anak sa pamamagitan ng pagpirma ng “Affidavit of Acknowledgement/ Admission of Paternity”.

Bilang katunayan ay  aking inilakip sa sulat na ito ang NSO copy of birth certificate ng
aming anak bilang Annex “A”.

Ako po ay humihingi ng suporta sa ama ng aking anak ngunit hindi po siya tumutugon sa kanyang responsibilidad bilang ama.
Sa kasalukuyan po ay wala akong natatanggap na suporta simula po noong Disyembre 2011.

May sakit po ang  aming anak na na-ngangilangan ng agad na medikasyon at wala po akong sapat na pera
upang matugunan ang pangangailangan ng bata.

Pabalik-balik din po ang kanyang sakit. Kalakip nito ang medical certificate ng aming anak na nagpapatunay na siya ay may “Acute Gastroenteritis” bilang Annex “B”. Inaasahan ko po ang maagap na pagtugon ninyo sa sulat na ito.

Lubos na
gumagalang,
Jhoana Paredes
Jacana Road, Bgy. Bancao-Bancao
Puerto Prinsesa City
Mayo 7, 2012

REPLY: Magandang araw sa iyo, Jhona.
Nailapit na namin ang iyong suliranin sa Philippine National Police. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang sagot tungkol dito.

Ipinapayo sa iyo ng Aksyon Line na maaari mong isa-legal ang paghingi ng suporta ng ama ng iyong anak. Ibig sabihin, kailangan mo itong ilapit sa korte para obligahin nito ang pulis na ayaw magbigay suporta sa inyong anak. Maaari kang lumapit sa Public Attorney’s Office (PAO) para matulungan ka nila sa paghahain ng reklamo.
Hihintayin pa rin natin ang magiging tugon ng PNP hinggil dito.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...